Gabbi, Khalil pinag-uusapan na ang kasal

Gabbi, Khalil pinag-uusapan na ang kasal: ‘Same kami ng end goal’

Pauline del Rosario |March 15,2024
facebook
share this

Gabbi, Khalil pinag-uusapan na ang kasal: ‘Same kami ng end goal’

Pauline del Rosario - March 15, 2024 - 12:24 PM

Gabbi, Khalil pinag-uusapan na ang kasal: 'Same kami ng end goal'

PHOTO: Facebook/Gabbi Garcia

MUKHANG handa na sa next level ng relasyon ang celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Ito ay matapos ibunyag ng dalawa na pinag-uusapan na nila ang planong pagpapakasal.

Sa panayam with King of Talk Boy Abunda, inamin ng couple na ito ang “end goal” nila.

“It’s something that we actually talk about a lot,” sey ni Khalil sa programang “Fast Talk.”

Dagdag ni Gabbi, “Same naman talaga kami ng end goal. Even at the start of this relationship, why waste time with someone you don’t wanna end up with.”

Baka Bet Mo: Gabbi ‘ghinost’ si Khalil noon para makipagbalikan sa ex-boyfriend

Ayon pa sa aktres, hindi sila takot na pag-usapan ang ganitong klaseng topic dahil normal lang daw ito sa isang couple.

“From the get-go I feel like we were aligned that we want to keep this relationship special for the future,” sambit niya.

Paliwanag pa ni Gabbi, “I’m not afraid to talk about it kasi that’s part of life and it’s such a beautiful thing.”

Tulad ng ilang celebrity couples, nandyan din daw ang “pressure” mula sa mga taong nakapaligid sa kanila pagdating sa pagpapakasal.

Gayunpaman, hindi naman daw ito nagiging problema sa kanila dahil hindi naman nila hinahayaan na ma-pressure sila.

“I’m approaching my 30s na, we both see ourselves starting a family eventually,” wika ni Khalil.

Ani pa niya, “It’s about being aware that there is that pressure and how you manage that.”

Kasunod niyan ay ibinahagi ni Gabbi na may ideya na siya kung ano ang nais niyang suotin na wedding gown at ang gusto nila ay isang “intimate, quiet wedding.”

Nang tanungin naman ang dalawa kung sino ang hinahangaan nilang couple, ang sagot nila ay ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Pitong taon nang magkarelasyon sina Gabbi at Khalil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang huling proyekto na pinagtambalan nila ay ang 2022 Kapuso mystery series na “Love You Stanger.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending