Bandera "One on One": Bianca Manalo | Bandera

Bandera “One on One”: Bianca Manalo

- October 20, 2010 - 03:04 PM

Bandera Entertainment

ILULUNSAD ng ABS-CBN ang Bb. Pilipinas Universe 2009 na si Bianca Manalo bilang female lead star ng Kapamilya network sa TV remake at bagong panghapong teleserye na Juanita Banana. Ang pelikulang “Juanita Banana” ay mula sa Sampaguita Pictures na pinagbidahan nu’ng 1968 ng nanay at tatay ni Sheryl Cruz na sina Rosemarie Sonora at Ricky Belmonte. Makakasama ni Bianca sa bagong version ng Juanita Banana sina Rodjun Cruz at Matt Evans sa direksyon ni Jeffrey Jeturian. Ayon sa reports, ang Juanita Banana ang susunod na TV offering ng ABS-CBN/Star Cinema Productions pagkatapos ng launching drama series ni Empress, ang Rosalka. From the Empress of drama, papasok naman ang beauty queen na si Bianca Manalo. Pamela Bianca Ramos Manalo ang complete name ng bagong leading lady ng Kapamilya network. She’s 23 years old at ipinanganak noong Nov. 28, 1986. Pinsan ng lolo niya si dating President Fidel V. Ramos. Tiyahin niya ang naging Miss International 1968 finalist na si Nini Ramos Licaros at ate naman niya ang dating 2002 Bb. Pilipinas World na si Katherine Anne. Kasulukuyang napapanood sa ABS-CBN Primetime Bida teleserye na Magkaribal si Bianca with Bea Alonzo and Gretchen Barretto bilang si Gigi. Para mas lalo pa ninyong makilala si Bianca, narito ang one-on-one interview namin sa kanya para sa BANDERA.

BANDERA : Paano kaba nagsimula sa showbiz?

BIANCA MANALO: Bago pa ako sumali sa Bb. Pilipinas, nagho-host na ako sa variety show ng Studio 23, ‘yung Rush TV. Nag-flight attendant din ako sa PAL for six months. Then, sumali na ako sa Bb. Pilipinas. After ng Miss Universe, kinukuha na ako ng ABS-CBN. Kasi sa ABS noon in-air ‘yung Miss Universe 2009. Nu’ng nagsabi kami sa Bb. Pilipinas na kinukuha ako ng ABS-CBN, ayaw nilang pumayag.

B: Saang show ka kinukuha?

BM: Kinukuha ako na mag-guest sa Showtime. Ayaw nila, tapos may offer daw sa GMA 7. Pinapa-guest daw ako sa Show Me The Manny. E, hello! Ipagpapalit ko ba naman ‘yung everyday na guesting sa once a week para sa Show Me The Manny. Tinalakan nila (Bb. Pilipinas Charities Foundation, Inc.) ako. Sabi nila, ‘Kami ang nagpasikat sa ‘yo. Sabi ng Auntie ko, (former Bb. Pilipinas International 1968), si Nini Licaros, ‘No, you appear in Showtime.’ Kasi prior nang pagsali ko sa Bb. Pilipinas I had a show with ABS-CBN. Sila ang nag-hype ng name ko. Parang kay Venus Raj din, ‘di ba? Basta ako nagpaalam ako sa kanila.

B:Magkaribal ba agad ang unang teleserye na ginawa mo sa ABS-CBN?

BM: Actually, una nila akong kinukuha noon sa Dahil May Isang Ikaw. Supposedly, pang-love triangle ako kina Jericho Rosales at Krsitine Hermosa. Pinayagan nila ako doon. Kaya nagulat kami dahil sa Showtime ayaw nila akong mag-guest tapos payag naman sila sa soap. Ewan ko kung bakit. After that, hindi na nila ako inimbita especially doon sa send-off party ni Venus (successor niya bilang Bb. Pilipinas-Universe). Inimbita nila ako sa Santacruzan although alam ko na galit sila sa akin. Meron din ibang okasyon na inimbita nila ako pero ‘di na ako pumunta kasi ayoko na ng gulo.

B: Ano ang natutuhan mo sa nangyari between you and the Bb. Pilipinas Charities?

BM: Lahat naman kaming beauty queen nila inaway nila, e. Pero para sa akin, ganyan talaga. As a beauty queen tinitingala ka ng mga tao. Public figure ka na. Sa akin kasi kung ano ang nararamdaman ko, ginagawa ko. Siguro naturuan lang kami ng daddy ko na lahat kaming mga anak niya lumalaban sa challenges. Lahat ismarte at ‘di lang basta ‘di magsasalita.

B: Pinayagan ka ba ng Bb. Pilipinas na lumabas sa Magkaribal?

BM: Actually, nauna pa po akong inalok na makasama sa Magkaribal kesa mag-guest sa Showtime. Nu’ng una po sabi sa akin kasama raw ako sa Bea-Gretchen show mga February this year. Reigning pa ako noon as Bb. Pilipinas Universe. Pero ‘di na nasabi sa kanila (BPCFI) para ‘di na magkagulo. Tapos ‘yun, kinausap ng ABS-CBN ‘yung manager ko, si Joji Dingcong.

B: Revelation ka raw sa Magkaribal kaya bibigyan ka agad ng solo show sa ABS-CBN?

BM: Natuwa po ako talaga nu’ng lumabas na ako sa Magkaribal. Revelation nga raw po ako doon. Nagulat din ako. Tapos ‘yun nga tuluy-tuloy na.

B: Ano naman ang masasabi mo ngayong may solo show ka na sa ABS-CBN bilang bagong Juanita Banana?

BM: Sobrang happy po. Sabi nila kaya raw nila binigay ‘yung Juanita Banana sa akin dahil nagustuhan nila ‘yung role ko as Gigi sa Magkaribal. Pero sa akin po, sino ba naman ako para bigyan nila ng solo show. But at the same time, kinakabahan ako. Kasi parang…kaya ko na ba? Sana lang talaga mag-rate at magustuhan ng tao ‘yung show.

B: Kumusta naman ang first taping day mo for Juanita Banana?

BM: Nag-first taping day kami last Thursday. Ayun, walang signal sa Buso-Buso, maputik. Hahahaha! Doon kasi may banana farm. Kaeksena ko ‘yung daddy ko sa show, si Lito Pimentel. Tapos kapatid ko sina Hopia at Aaron (Junatas). Ate Nay ang tawag nila sa akin kasi wala kaming nanay dahil kinuha siya ng duwende. Si Isay Alvarez ‘yung nanay namin.

B: Okey naman ba ang acting mo?

BM: Okey naman po. First scene ko ‘yung hinuhuli ako sa presinto. Nakipag-away po kasi ako sa palengke. Kaeksena ko si Katya Santos. Siya ang kontrabida.

B: So, drama-comedy ang Juanita Banana?

BM: Yes, tapos sabi nila si Ms. Gina Pareño daw po kasi ang pini-peg nila sa akin. Masaya, gusto ko ‘yun. Parang Gina Pareño/Maricel Soriano ang nakikita nila kaya magkokomedi ako. Siyempre, kakayanin ko ‘yan lahat.

B: Funny person ka ba talaga sa tunay na buhay?

BM: E, ‘yung mga kaibigan ko kasi natatawa sila sa akin. Nakakatawa raw ‘yung mukha ko sa pagsasalita ko at sa mga hirit ko. Parang hindi raw bagay ‘yung mukha ko sa pinagsasasabi ko. Natatawa talaga sila sa akin. Pero hindi ko ‘yun sinasadya. Ganu’n talaga ako.

B: Honestly, sa tingin mo keri mo nang magdala ng show?

BM: Sana , siguro. Pupunta nga ako ng Lipa at Manaoag para magdasal at sabihin kay Lord na eto na ‘yung hinihintay ko na moment. Kasi sobrang na-depress ako nu’ng ‘di ako pumasok as finalist sa Miss Universe. E, ‘yung ate ko at Auntie ko parehong pumasok as finalists. Pero siguro dahil sa pagsali ko du’n, ‘yun lang ang ginamit na daan para mapansin at mabigyan ako ng show.

B: Napanood mo ba ang original “Juanita Banana” ni Rosemarie Sonora?

BM: Hindi po. Humihingi nga po ako ng kopya, e. Sana nga po bigyan ako. B: Kilala mo ba si Rosemarie Sonora? BM: Hindi po. Pero kilala ko ang anak niya, si Sheryl Cruz. Pero alam ko ‘yung best friend ni Juanita Banana sa movie, si Kuya Germs. Sabi rin po ng daddy ko, kamukha niya si Ricky Belmonte. Tapos nakita ko ‘yung picture ni Ricky Belmonte, oo nga kamukha siya ng daddy ko. Pati dimple nila, ha.

B: Sa dami ng may pangalang Bianca sa showbiz, ano sa tingin mo ang ipinagkaiba mo sa kanila?

BM: Basta ako, winner na winner. Hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

B: Paano mo kukumbinsihin ang publiko para panoorin ang Juanita Banana? BM: Kung natuwa sila kay Gigi sa Magkaribal, mas matutuwa sila sa akin sa Juanita Banana dahil buong show na nila ako mapapanood. Bongga, ‘di ba?

Bandera, Philippine entertainment news, 102010

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending