Baron nanginig sa halikan nila ni Cristine: Para akong mahihimatay!

Baron nanginig sa kissing scene nila ni Cristine: Para akong mahihimatay!

Marla Ancheta, Cristine Reyes at Baron Geisler

NANGINIG si Baron Geisler nang kunan ang intimate scene nila ni Cristine Reyes sa reunion movie nilang “Dearly Beloved” mula sa Viva Films.

Hindi raw maiwasan ng award-wining Kapamilya actor na ma-starstruck kay Cristine dahil talagang hinahangaan niya ito pagdating sa aktingan.

Pag-amin ni Baron, feeling daw niya ay tumaas ang kanyang BP (blood pressure) nang naghahanda na siya para sa kissing scene nila ni Cristine sa “Dearly Beloved” na mula sa direksyon ni Marla Ancheta.

“I always make sure na kapag…sa bawat eksena namin, kakatok ako sa room niya, talagang nagpapabango ako, nagtu-toothbrush ako, para hindi ako amoy usok,” simulang kuwento ng aktor.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez may pa-tribute para kay Deo Endrinal: ‘Binago niyo ang buhay ko’

“Tapos nu’ng nabasa ko sa script, may ano nga (intimate scene) kami. Kaya tinanong ko si Cristine kung may kissing scene ba sila ni Empoy (sa pelikulang Kidnap For Romance). Sabi niya, ‘oo’. Lips to lips ba? Sabi niya, ‘oo.’  Oh, swerte ni Empoy, ah.’


“Sabi ko paano siya nakakuha ng confidence? ‘Wala ginawa lang namin’, sabi ni Cristine. Kasi, di ba? Nandu’n sa script (halikan)…nanginginig talaga yung kamay ko,” pag-alala ni Baron.

“Then I talked to Direk, sabi ko, ‘Direk, parang hindi ko kayang gawin ‘to. Para akong mahihimatay. Muntik na ‘kong magpa-check ng BP, walang joke. And it’s not even a torrid (kissing scene).

“Pero dahil nga na-starstruck ako (at hindi na nakapagsalita), sabi talaga sa akin ni Cristine, ‘Tama na yan Baron, tapusin na natin ‘to’, yun, nabuhay ako bigla, nahiya talaga ‘ko. So sabi ko, sige shoot na natin ‘to!” ang natatawa pang chika ng aktor.

Samantala, ngayong summer, magtatambal nga sa unang pagkakataon sina Cristine at Baron at ipakikita ang husay at galing nila sa pag-arte sa pagbibida nila sa isa sa mga inaabangang drama movie ngayong taon.

Isang kwento na ipakikita kung anong kayang gawin ng isang pusong nagmamahal – paano piliin kung ano ang tama, magtiis sa bawat sakripisyo, at harapin ang bawat hamon ng buhay – lahat ay kakayanin para para sa iyong “Dearly Beloved”.

Paglalapitin ng tadhana sina Deo (Baron) at Shel (Cristine) nang magkita sila sa isang bar at agad na mahulog sa isa’t isa. Magkakarelasyon ang dalawa at magsasama, bubuo ng sarili nilang pamilya na pupunuin nila ng saya at pagmamahal.


Aayusin nila ang lahat at kahit na ibang tao ay iisipin na isang “perfect family” ang nabuo nilang dalawa…pero malayo pa sa pagiging perpekto ang katotohanan.

Baka Bet Mo: Angel nagparamdam sa burol ni Deo Endrinal, tanong ng netizens: Saan ka?

Parehas pang legally married sina Deo at Shel sa mga dati nilang karelasyon at ngayon ay namumuhay sila bilang isang blended family kasama ang kanilang mga anak – sina Gelo (anak nina Deo and Shel), Nathan (anak Shel sa dating asawa), Trixie at Levi (mga anak ni Deo’s children sa unang asawa).

Kahit na tanggap nila at ng mga bata ang magulo at komplikado nilang sitwasyon, hindi nila maiiwasan na maapektuhan sa mga panghuhusga ng ibang tao at maikumpara ang mayroon sila sa mga nakasanayang social norms sa paligid.

Paano poprotektahan nina Deo and Shel mula sa lahat ng negatibong bagay ang binuo nilang bagong pamilya? Maging sapat kaya ang pagmamahal at tiwala nila sa isa’t isa para manatiling matatag?

O, matutulad lang ito sa mga dati nilang relasyon na unti-unting nasira at naging nakakapagod na para ipaglaban pa?

Bibida rin sa Dearly Beloved sina Phoebe Walker bilang Rhoan (ex-wife ni Deo), at JC Tiuseco bilang Keith (ex-husband ni Shel), makakasama rin nila ang child stars na sina Althea Ruedas, Robbie Wachtel, Tyro Daylusan, at Charles Law na gaganap naman bilang mga anak nina Deo at Shel.

Kasama rin sa pelikula sina Ivan Padilla, Rey PJ Abellana, Marissa Sanchez, Ana Luna, Erica Ladiza, Guji Lorenzana, at Nicco Manalo.

Ito’y mula sa direksyon ni Marla Ancheta, ang direktor din ng critically acclaimed na pelikula na umantig sa ating mga puso, ang “Doll House,” kung saan bumida rin sina Baron at Althea Ruedas.

Mula sa Viva Films, showing na ang “Dearly Beloved” in cinemas nationwide ngayong March 30.

Read more...