KADUDA-DUDA umano ang pagkapanalo ng iisang tao sa lotto nang 20 beses sa loob lamang ng isang buwan, ayon kay Sen. Raffy Tulfo.
Ito’y matapos niyang pag-aralan ang listahan ng mga lotto winners na ibinigay sa kanya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
“’Yung PCSO nagbigay ho sa akin ng listahan, ito nga po yung sinasabi ko, medyo nakakataas ng kilay, mayroon doon na isang tao nanalo ng 20 times in one month. Mayroon du’n 10 times in one month,” ang pahayag ng senador sa panayam ng DZBB kahapon, March 12.
Pagpapatuloy ni Tulfo, “Well, siguro baka magkapangalan, pero, still, pare-pareho yung premyo ang pinanalunan. Paulit-ulit in one month. Lalong tumambak ang mga questions.”
Baka Bet Mo: Cancer survivor naka-’jackpot’ sa Lotto, nag-uwi ng P50-M: Ako na ‘yata ang pinaka swerteng tao sa mundo!
Ang tinutukoy ng senador at radio-TV host ay ang bettor na paulit-ulit na nanalo sa four-digit draw at two-digit draw sa loob ng isang buwan.
Ayon pa kay Tulfo na siyang namumuno sa isinasagawang imbestigasyon ng PCSO lotto draws sa Senate Committee on Ways and Means, mismong ang PCSO ang nag-submit sa Senado ng mga dokumento ng lotto games, kabilang ang tax records, at pangalan ng jackpot winners.
Nangako naman si Sen. Raffy na wala naman silang balak na ibandera sa publiko ang pangalan ng mga lotto winners.
Samantala, nagbitiw din ng salita
si PCSO General Manager Mel Robles na magsasagawa sila ng pag-aaral sa mga naging obserbasyon ng senador.
“I wouldn’t know. Ako, personally, hindi ko po tinitingnan iyon,” sabi ni Robles sa isang panayam.
Baka Bet Mo: Lassy feeling nanalo sa lotto nang halikan sa ‘nips’ si Kit: Pero nakakatakot, baka sapakin ako!
“Pero I’ll check, I’ll look into that kung meron pong ganon, kasi hindi naman po kami tumitingin na niyan after namin maibigay, e. Puwede imbestigahan iyan. Di naman mahirap imbestigahan iyan, e,” dagdag pa niya.
Ipinagdiinan din niya na walang paraan at hindi maaaring manipulahin ang mga resulta ng lotto.
Aniya sa isang senate hearing, “We would like to assure you that you can never, never manipulate it. Even I can bet because it’s beyond me. Even if we wanted to, with the system we have, we cannot.”
Nagsimulang magduda ang mga mananaya sa lotto matapos mag-viral sa social media ang edited photo ng ilang winners, kabilang na ang isang babaeng nanalo ng P43.88 million sa 6/42 draw mula sa Bulacan.
Inamin ng PCSO na totoong edited ang photo para umano maprotektahan ang identity at kaligtasan ng nanalo. Kasunod nito ang announcement ng Senado na kailangan nang imbestigahan ang naturang usapin.