Ruru muling pinakilig si Bianca: Thanks for always being the best

Ruru muling pinakilig si Bianca: Thanks for always being the best!

Ervin Santiago |March 10,2024
facebook
share this

Ruru muling pinakilig si Bianca: Thanks for always being the best!

Ervin Santiago - March 10, 2024 - 08:05 AM

Ruru muling pinakilig si Bianca: Thanks for always being the best!

Ruru Madrid at Bianca Umali

MULING ibinandera ng Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid ang wagas niyang pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Bianca Umali.

Isang appreciation post ang ibinahagi ng binata para kay Bianca sa kanyang social media account ilang araw matapos mag-celebrate ang aktres ng kanyang 24th birthday last March 2.

Sa Instagram, nag-share si Ruru ng mga litrato ni Bianca na kuha sa kanilang farm getaway. Doon nila ipinagdiwang ang 24th birthday ng dalaga.

May video rin na ibinahagi si Ruru kung saan ipinakita ni Bianca ang kanyang galing sa pangangabayo. Ang caption ng aktor, “Thanks for always being the best.”

Baka Bet Mo: Sigaw ni Carla: Itigil ang paghuli, pagkatay, pagluto at pagkain ng aso! Ito po ay isang KRIMEN!

Sumagot naman agad si Bianca sa IG post ni Ruru, “Aww… Mahal ko.”

Samantala, hindi na nga paaawat sa round 2 ng kanilang tapatan sina Elias (Ruru Madrid) at Calvin (Jon Lucas) sa pagpapatuloy ng kuwento ng Kapuso series na “Black Rider”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sino kaya ang lalamang? Kaninong buhay ang magtatapos sa pinakamatinding pagtutuos?

Si Calvin, ginawang bihag ang pinakamamahal na ina ni Elias na si Alma (Rio Locsin) at buong pagmamalaking ibinalita sa kanyang ama na si Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) na hawak niya ang ina ni Black Rider.

Isang hindi inaasahang pagtatagpo ng dating magkasintahan ang naganap. Parehong nagulat sina Alma at Edgardo nang makita nila ang isa’t isa.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid ibinuking ang sikreto sa tagumpay ng ‘Black Rider’

Napagtanto ni Alma na ang matulunging lalaking sinasabi sa kanya ni Elias ay walang iba kundi ang ama nito na si Edgardo – ang lalaking inakala niyang patay na. Natuklasan naman ni Edgardo na si Black Rider – ang tinik sa kanyang lalamunan at kalaban ng Golden Scorpion – ay ang kanyang sariling anak na si Elias.

Samantala, tinraydor din ni Calvin ang assassin na si Teresa (Michelle Dee). Nangako ang dalagang maghihiganti ito laban sa kanila.

Sa pagtutuos nina Elias at Calvin, sino tunay na magwawagi? Isisiwalat ba ni Señor Edgardo ang katotohanan kay Elias? Ililigtas ba niya ang Black Rider?

Mas iinit pa ang aksyon gabi-gabi sa pagdating ng mga paa ng alakdan – ang mga ama ng Golden Scorpion boys! Anong panganib sa buhay ni Black Rider ang naghihintay sa patikim ng kanilang bagsik?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan pa sina Paolo Paraiso, DJ Durano, Leandro Baldemor, Lander Vera Perez, at Gerald Madrid sa painit nang painit na pag-arangkada ng “Black Rider”, 8 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending