Bianca Umali ‘natakot’ sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz

Bianca Umali ‘natakot’ sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz

Pauline del Rosario |February 22,2024
facebook
share this

Bianca Umali ‘natakot’ sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz

Pauline del Rosario - February 22, 2024 - 02:36 PM

Bianca Umali ‘natakot’ sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz

PHOTO: Instagram/@bianxa

SINO nga naman ang hindi mangangamba kung sunod-sunod nang naghihiwalay ang mga kakilala o kasamahan mo sa industriya?

Kagaya na lamang ng aktres na si Bianca Umali na natakot sa tinatawag na “breakup season” sa showbiz.

‘Yan mismo ang ipinahayag ni Bianca nang makapanayam siya ni Luis Manzano sa YouTube vlog na “Luis Listens” kamakailan lang.

“Nakakatakot ‘yung time na ‘yun kasi tuloy tuloy ‘yung mga naghihiwalay hindi lang basta-basta couple. Alam mong sila ‘yung mga poste ng love life dito sa Pilipinas,” sey ng aktres.

Baka Bet Mo: Bianca Umali kinakarir na ang paghahanda bilang Sang’gre ng Encantadia: ‘As if I’m preparing for a Marvel movie!’

Kahit daw si Bianca, hindi niya matiyak kung ano ang “future” nila ng boyfriend na si Ruru Madrid.

Pero sinisuguro naman daw nilang dalawa na nasa sentro ng kanilang relasyon ang Panginoon.

“Para sa amin, hindi na rin namin ma-promise na walang mangyayaring masama sa amin na hindi kami mag-aaway, na hindi malalaman ng mga tao ‘yung nangyayari sa relationship namin,” kwento niya.

Patuloy ni Bianca, “But we had faith in the relationship parang we held on to knowing na ang center ng relationship namin is our faith, is God, so we gave it all to Him.”

Sinabi rin ng Kapuso actress na mahirap talagang i-maintain ang isang relasyon kapag ika’y nasa entertainment industry.

“It is [harder] lalo for me, I value privacy a lot. Hindi ako gaanong ka-open book. I’m not an extrovert,” sambit niya kay Luis.

Paliwanag niya, “It’s sad that some people think they know who you both are and how you both do things and handle the relationship. ‘Yung lahat ng judgment ba, it’s hard to get pass through that.”

Kasunod niyan ay ibinahagi ni Bianca kung paano nila hina-handle ni Ruru ang mga taong mapanghusga sa kanilang relasyon.

“And being in the industry, ang daming taong involved sa buhay natin. ‘Yung mga taong nakapalibot sa -tin so parang lahat ‘yan may comment,” saad niya.

Baka Bet Mo: Avisala! Bianca Umali ipinakilala na bilang bagong Sang’gre ng Encantadia, ang nawawalang anak ni Danaya

Paliwanag niya, “‘Yung naging structure lang namin ni Ruru ay kahit ano pang sabihin ng mga tao, even sa inner circle namin, kaming dalawa pa rin ‘yung nasa relasyon.”

“We are in a relationship with each other and not with the people around us so kung ano ‘yung magiging desisyon namin, it depends on just both of us,” ani ng aktres.

Giit pa niya, “Of course, we will listen, maririnig namin ‘yung mga opinyon ng iba but it’s still just the two of us.”

Sa darating na Hulyo ay ipagdiriwang ng celebrity couple ang sixth anniversary nila.

Samantala, noong nakaraang taon lamang nang aminin ni Ruru na eight months silang naghiwalay ni Bianca noong 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon pa sa aktor, ang breakup nila ang nagpa-realize sa kanya na si Bianca na ang “the one” para sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending