Paglilinaw ng Malacañang: Hindi ‘holiday’ ang March 11

Libreng sakay para sa mga kababaihan ngayong Women's Month

ISA nanamang “fake news” ang kumakalat na binigyang-linaw ng Palasyo kamakailan lang.

Ayon sa inilabas na Official Gazette, hindi “holiday” ang darating na Lunes, March 11.

Ibig sabihin, may pasok pa rin sa araw na ‘yan.

May kumakalat kasi sa na balita online na walang pasok daw ang nasabing petsa bilang pagdiriwang umano ng Muslim holiday na Eid’l fitr.

Baka Bet Mo: Pangulong Bongbong ilang beses nakaranas ng kababalaghan sa Malacañang: Nagsisigaw ako, ‘May multo, may multo!’

“The circulating document labeled “Proclamation No. 729,’ which purportedly declares Monday, March 11, 2024, as a nationwide regular holiday in celebration of Eid’l Fitr, is spurious,” paglilinaw sa Facebook post ng Official Gazette of the Republic of the Philippines.

Dagdag pa, “It is a tampered version of Proclamation No. 729, s. 2019, issued by then Executive Secretary Medialdea during the previous administration.”

As of this writing, wala pang anunsyo ang Malacañang kung kailan ang Eid’l Fitr.

Recently lamang, pinabulaanan ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil na pumanaw na ang dating first lady na si Imelda Marcos.

Ang nasabing chismis ay nagsimula noong March 5 matapos kumpirmahin ni Senador Imee Marcos na naka-confine ang ina sa ospital dahil sa pneumonia.

Tiniyak naman ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang social media post na nabigyan na ng antibiotics ang kanyang ina bilang lunas sa sakit.

“I just spoke with my mother’s doctors. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever,” X post ng pangulo.

Sey pa niya, “She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve her fever.”

“She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well. I thank the Filipino public for their concern and prayers,” ani pa niya.

Read more...