Alex Bruce ibinandera ang resilience, empowerment sa single na ‘SWOOSH’

Alex Bruce ibinandera ang resilience, empowerment sa single na ‘SWOOSH’

PHOTO: Sony Music Entertainment

NAGLABAS ng empowering anthem ang Pinay rapper na si Alex Bruce kasabay ng pagdiriwang ng “International Women’s Month.”

Ito ang “SWOOSH” via Sony Music Entertainment na tungkol sa resilience, achievement, at empowerment.

Bilang isa sa ambassadors ng international activewear brand na Nike, nais niyang iparating sa kanta ang iconic trademark nito na “Just Do It!” bilang isang inspirasyon pagdating sa bawat aspeto ng ating buhay.

“It’s more than just a song in a way; it’s an anthem, a testament to the power of determination, self-belief, and seizing the moment,” sey ng young rapper.

Baka Bet Mo: Ben&Ben inspirasyon ang hatid sa acoustic version ng ‘Courage’: ‘It’s something a lot of people are going through…’

Para sa kaalaman ng marami, unang napakinggan ang bagong single nang kantahin niya ito nang live sa halftime show ng FIBA 2023.

Pag-alala ni Alex, sobrang nag-enjoy siya nang tinanghal niya ito sa harap ng maraming tao na nanggaling pa sa iba’t-ibang lupalop ng mundo.

“Performing at the FIBA halftime show was ‘the’ experience,” wika ng music artist.

Kwento pa niya, “Not only was I thrilled to be showcasing my artistry on such a huge stage, but I was also super excited to be joined by the amazing talents of ATEAM—sixteen dancers whose energy and passion added extra flavor and dimension to the performance.”

Ang “SWOOSH” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

Read more...