‘Brave Citizen’ ni Korean superstar Shin Hye-sun pinalakpakan sa sinehan

'Brave Citizen' ni Korean superstar Shin Hye-sun pinalakpakan sa sinehan

Shin Hye-sun

ANG film adaptation ng sikat na Korean webtoon na “Brave Citizen” ay nasa Pilipinas na at showing na ngayon sa mga sinehan nationwide.

Bida rito si Shin Hye-sun (Mr. Queen, My Golden Life, Still 17, See You in My 19th Life) bilang isang vigilante teacher sa action-comedy mula sa award-winning director na si Park Jin-pyo.

Si Si-min (Hye-sun) ay isang promising boxer na ipagpapalit ang pagkakataong makapaglaro sa Olympics para tulungan ang kanyang ama na makabayad ng utang.

Ang kanyang sakripisyo na isantabi muna ang pagiging national athlete ay ang magtuturo sa kanya ng mapait na katotohanan na hindi patas ang buhay.

Baka Bet Mo: Lolit puring-puri si Gretchen: Wow, big brave heart talaga!

Siya ay magtatrabaho bilang isang substitute high school teacher, isang posisyon na minamaliit ng mga guro at estudyante sa paaralan.

Ngunit, nananatiling matatag si Si-min kahit may diskriminasyon siyang nararanasan para maging isang full-time teacher balang araw. Para makuha ito, kailangan niyang kontrolin ang kanyang nararamdamang galit. Sa madaling salita: bawal ang boxing.


Ngunit masusubukan si Si-min nang makilala niya si Su-gang (Lee Jun-young), isang matalino ngunit malupit na estudyante.

Binu-bully niya ang iba para sa pansariling kasiyahan. Siya ay mayaman, spoiled, at may angking galing sa pakikipaglaban kaya hindi siya masita kahit ng mga guro.

Isang gabi, makikita ni Si-min si Su-gang na may sinasaktang tao. Sa pagkakataong ito, hindi na makakatiis si Si-min kaya naman suot ang isang cat mask, gugulpihin niya si Su-gang upang mapaghiganti ang mga nasaktan nito.

Sa kauna-unahang pagkakataon, matatalo si Su-gang sa isang laban. Ngayon, determinado siyang pabagsakin ang naka-maskarang bumugbog sa kanya.

Maaaring mas madaling huwag pansinin na lang ang mga kasamaan na nangyayari, ngunit hindi para kay Si-min.

Lahat ay gagawin niya para maging isang “purr-fect” hero kahit na nasa panganib ang kanyang secret identity.

Ang original na webtoon na isinulat at iginuhit ni Kim Jung-hyun ay nanguna sa popularity nang ma-publish ito sa platform na Comico.

Ito rin ay matagumpay sa Naver Webtoon sa Korea, na may average rating na 9.6 stars. Nagtala naman ito ng 2.27 million views sa Line Webtoon sa Taiwan.

Sa press screening na ginanap sa Seoul noong Oktubre, sinabi ni Direktor Park na hindi niya inaasahan na ang mga pangunahing tema ng pelikula ay magiging relevant social issues, sapagkat sinimulan niya ang pelikula ilang taon bago naging mainit na paksa ito sa Korea.

“School violence and teachers’ rights issues are something that have been going on from long ago.

Baka Bet Mo: Park Shin Hye, Choi Tae Joon ikinasal na!

“It was just something not well known to many people, or many people would just shun it. Now, those issues are becoming more exposed to the world,” aniya.

Ibinahagi rin niya ang naging desisyon tungkol sa pagpili ng cast. Ayon kay Park, si Shin lang ang nais niyang gumanap na Si-min. Para sa kanya, parang blangkong canvas si Shin na kayang gampanan ang anumang role.

Ngunit naging hamon para kay Shin ang action scenes ng pelikula, lalo pa at wala siyang stunt double.

“I trained with a martial arts master and learned to box and deliver punches and kicks,” pahayag ni Shin sa isang interview sa Korea JoongAng Daily.

“I am quite tall, but I have no core strength, so I looked very flimsy at first doing the action scenes. But as I trained, I settled into it well and I am satisfied with the end results,” dagdag ng direktor.

Ang pagiging boxer at teacher ay kabilang na sa mahabang listahan ng mga karakter na nagampanan na ni Shin sa kanyang karera.

Pinagtitibay nito na isa siya sa mga pinakatanyag na aktres ngayon sa South Korea.


Samantala, pinuri ni Direktor Park ang kakayahan ni Lee na ipakita ang mga emosyon ng isang kontrabida at marahas na estudyante.

Si Lee, na dating miyembro ng K-pop group na U-KISS, ay isang fast-rising actor matapos mapanood sa mga natatanging proyekto gaya ng “Love and Leashes” at “D.P.”

Pangako ng “Brave Citizen” ang isang solid na suntok ng comedy at nakakaantig na sipa sa puso. Kasama rin sa pelikula sina Cha Cheong-hwa, Park Hyuk-kwon, at Park Jeong-woo. Showing na ito ngayon sa mga sinehan sa buong bansa.

Napanood na namin ang “Brave Citizen” at in fairness, pak na pak si Shin Hye-sun sa kanyang role. Talagang muli niyang pinatunayan dito ang kanyang versatility bilang aktres.

Marami ring aral na mapupulot ang manonood sa pelikula lalo na sa isyu ng bullying na napakatindi rin pala sa Korea. Bongga at exciting din ang naging boxing match sa pagitan ng bida at kontrabida sa bandang ending ng movie.

Sure na sure kami na hindi sayang ang parang ipambabayad n’yo sa sinehan dahil mula simula hanggang ending, super exciting!

Read more...