Sarah sa pagiging ina: It’s really a balancing act everyday

Sarah sa pagiging ina: It's really a balancing act everyday

AMINADO ang celebrity mom na si Sarah Lahbati na hindi naging madali ang kanyang journey bilang ina.

Sa kanyang interview kay Dyan Castillejo sa “On Cue” ibinahagi niya ang mga naranasan nang maging mommy siya sa edad na 20.

“I was a very young mom, obviously that comes with challenges and difficulties, but it also comes with so much blessings [and] learnings,” pagbabahagi ni Sarah.

Aniya, ang pagiging ina ang nagbigay ng pagkakataon sa kanya na mapatunayan sa sarili na kaya pala niya ang isang bagay.

“As a mom, you always learn along the way, I can do this and do that. You question yourself but with age and through the years, you just grow, you learn, you’re more confident that you can handle anything,”sey pa ni Sarah.

Pag-amin pa ng aktres, noong ipanganak niya ang panganay na si Zion ay nais niyang maging “cool mom” para maging kumportable ang mga anak na maging open sa kanya pero na-realize niya na dapat rin niyang i-practice ang pagdidisiplina.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

Lahad ni Sarah, “I have to make sure that when they grow up, I would be able to have difficult conversations with them, to be their best friend, but then, no eh.

“I have to make sure I discipline, I have to make sure I raise kind, humble, and smart, loving boys. It’s really a balancing act everyday.”

At ngayon ngang nagbabalik na siyang muli sa pag-aartista ay natanong siya kung paano niya napagsasabay ang pagiging ina at pagtatrabaho.

“I found the simplicity of staying organized; Writing down my schedule for the week ahead, writing down Zion’s, Kai’s, and then aligning everything,” sagot ni Sarah.

Magiging parte ang celebrity mom ng teleseryeng “Lumuhod Ka Sa Lupa” na magsisilbing comeback project niya sa pagbabalik showbiz.

Read more...