L, Shin Hye Sun pakilig sa ‘One And Only Love’
KOREAN word of the week: “Masitseumnida” – Sa Ingles ang kahalugan nito ay “delicious.” Dito sa atin, ito’y “masarap.”
Sinimulan na ang shooting ng upcoming Korean fantasy romance drama na One And Only Love na pagbibidahan ng member ng K-pop group na INFINITE na si L at ng magaling na aktres na si Shin Hye Sun.
Kwento ang One And Only Love ng isang anghel at isang balerina.
Gaganap si L bilang angel na si Dan na takaw-aksidente, habang si Hye Sun naman ay si Lee Yeon Seo, isang balerina, na mabubulag dahil sa aksidente.
Bukod kina L at Hye Sun, kasama rin sa cast sina Lee Dong Gun, Kim Bo Mi, Do Ji Won at Kim In Kwon.
Huling napanood si L noong 2018 sa legal drama na Ms. Hammurabi kung saan gumanap siya bilang isang judge.
Samantala, napanood naman si Hye Sun sa kanyang first lead role sa melodrama na My Golden Life (2017) na sinundan ng Hymn of Death at Still 17 (2018).
Mapapanood na ang One And Only Love sa May 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.