Im Siwan balik-acting matapos ma-discharge sa Korean military
Nagbabalik na ang Korean heartthrob na si Im Siwan sa mundo ng K-drama matapos ma-discharge kamakailan mula sa military.
Makakasama ni Siwan sa thriller drama na Strangers From Hell ang rookie actress na si Kim Ji Eun sa kanyang kauna-unahang female lead role.
Base ang Strangers From Hell sa isang sikat na webtoon na may kaparehong title.
Kwento ito ng mga misteryoso na naranasan ng isang lalaki matapos lumipat sa isang dormitory.
Gaganap si Siwan bilang Yoon Jong Woo, na lumipat sa Seoul mula sa probinsya para maghanap ng trabaho habang si Ji Eun naman ang gaganap bilang si Min Ji Eun, ang GF ni Siwan.
Nakatakdang mapanood ang Strangers From Hell sa ikatlong bahagi ng taon.
Na-discharge sa military si Siwan noong Marso 27, 2019 matapos mag- enlist noong Hulyo 2017.
Huli siyang napanood sa The King Loves (2017), Misaeng: Incomplete Life (2014), at The Moon Embracing the Sun (2012).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.