IKINASAL na ang South Korean stars na sina Park Shin Hye at Choi Tae Joon ngayong Sabado, January 22, 2022.
Base sa mga kumakalat na larawan ngayon sa social media ay ginanap ang kanilang kasal sa isang indoor venue.
May mga larawan rin na kuha mula sa mismong stage kung saan naksabit ang banner na may nakasulat na “Oryun Community Church”.
Base sa aming research ay isa itong “Christian organization that operates multiple churches and worship spaces in and around Seoul”.
View this post on Instagram
Bago pa man ang kanilang private wedding ceremony ay naglabas na ng pre-nup photos ang agencies nina Park Shin Hye at Choi Tae Joon.
Kitang-kita sa larawan ang kakaibang glow ng aktres at fresh na fresh pa rin kahit na preggy ito habang suot ang kanyang white lace gown.
Lutang naman ang kakisigan ni Choi Tae Joon sa kanyang dark blue suit.
Nobyembre 23, 2021 nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang pagpapakasal.
Kasabay ito ng pag-amin nila na magkakaroon na sila ng anak dahil buntis na ang “The Heirs” actress.
Nakilala si Park Shin Hye sa mga Korean drama series gaya ng The Heirs (2013), You’re Beautiful (2009), Pinocchio (2014), Doctors (2016), at Memories of Alhambra (2018). Bumida rin ito sa nag-trending na Miracle in Cell No. 7 (2013) a nagkaroon rin ng Filipino adaptation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.