Barbie nanghinayang sa pera kaya ‘di nanood ng Eras Tour: It’s too much!

Barbie nanghinayang sa pera kaya 'di nanood ng Eras Tour: It's too much!

Barbie Forteza at Taylor Swift

NAG-EXPLAIN si Barbie Forteza kung bakit nagdesisyon siyang huwag nang manood ng concert ni Taylor Swift sa ibang bansa.

Gustung-gusto ng dalaga, na isang certified “Swiftie”, na mapanood ang “Eras Tour” ng award-winning international pop star, pero mas pinili niyang huwag na lang gumastos nang bonggang-bongga para rito.

Feeling kasi ni Barbie, hindi makatarungan ang ilalaan niyang budget para sa concert ni Taylor sa ibang bansa lalo pa’t marami pa rin siyang pinagkakagastusan ngayon.

“Kasi para sa akin, ito po ay sa akin lamang, I just feel like it is a splurge for me.

Baka Bet Mo: Andrea gustong kainin dahil sa paandar na OOTD sa concert ni Taylor Swift

“Sabi ko sa sarili ko, if magpe-perform siya sa dito sa Pilipinas, I will definitely watch it,” ang pahayag ni Barbie sa panayam ng “24 Oras” nitong nagdaang Biyernes, March 1.

Isa pa sa rason kung bakit nanghihinayang din si Barbie na gumastos sa concert ng kanyang idol, ay katatapos lang niyang magpagawa ng bahay.

“But to have to spend for a flight, accommodation, and siyempre to maximize your time to wherever she’s performing, parang it’s too much of a splurge, especially I’m coming from just finishing a house.


“So, parang kasi if it’s just for that, I’d rather spend it for something else. Feeling ko naman magpe-perform siya ulit soon,” pahayag pa ni Barbie.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna proud maging ‘Swiftie’, mamimigay ng Taylor Swift concert tickets

Magugunitang napahagulgol sa sobrang tuwa ang Kapuso Primetime Princess  nang regaluhan siya ng kaibigang si Rain Matienzo, matapos itong nanood ng “Eras Tour” sa Australia.

“Mas du’n ako na-touch mas ‘yun ‘yung na-appreciate ko, ‘yung effort talaga ni Rain na pumila. Napakahaba ng pila sa merch talaga and ‘yung friendship bracelet talagang made me feel like I was there,” chika pa ni Barbie.

Naging close sina Barbie at Rain nang magkatrabaho sa historical portal fantasy series ng GMA na “Maria Clara at Ibarra” at sa Kapuso limited series na “Maging Sino Ka Man,” katambal si David Licauco.

Very soon ay muling bibida si Barbie sa upcoming GMA historical series na “Pulang Araw,” kasama sina David, Alden Richards and Sanya Lopez.

Read more...