4th Impact may pa-fundraising para sa 200 dogs, netizens uminit ang ulo

4th Impact may pa-fundraising para sa 200 dogs, netizens uminit ang ulo

4th impact

NAGLUNSAD ng donation drive ang Pinoy girl group na 4th Impact para sa ipapatayong “dreamland” ng kanilang 200 dogs.

Noong February 23, nagkaroon ng “Go Fund Me” page ang grupo na ginawa ng nakatatandang kapatid na si Elvira.

Ang goal nila sa fundraising ay makalikom ng $10,000 o mahigit kalahating milyong piso.

Sa nasabing page, ikinuwento ng magkakapatid na nag-umpisa ang kanilang dog journey sa limang Shih Tzu na iniregalo ng kanilang fans hanggang sa dumami na nga ito nang dumami.

Dahil daw diyan, bukod sa nagkukulang na sila ng “space” at “resources,” may mga kapitbahay na nagrereklamodahil sa ingay ng kanilang mga alaga.

“Last year, while chasing our dreams in LA, we faced a difficult reality. Our neighbors raised concerns about the noise, prompting us to make the heart-breaking decision to temporarily separate some of our dogs, particularly the males, from our home,” kwento sa page.

Baka Bet Mo: Isabelle Daza may P1-M na para sa inabusong kasambahay: ‘She will receive this donation personally’

Inihayag ng grupo na masakit para sa kanilang magkakapatid na mawalay sa kanilang pet dogs kaya nag-decide sila na magtayo ng “dog haven.”

At kailangan daw nila ng tulong upang matupad ang pangarap nilang ito para sa mga inaalagaang fur babies.

“That’s why we’re reaching out to you today. We dream of providing our furry friends with a safe and expansive farm where they can live out their days in happiness and freedom. It’s a dream born from our deepest love and dedication to these animals who have brought us so much joy,” wika nila.

Anila, “Your generosity and support would mean the world to us. Every contribution brings us one step closer to turning our dream into reality. And as we embark on this journey, we want to express our heartfelt gratitude to each and every one of you.”

As of this writing, may mga nag-donate na at mayroon na silang $825 o halos P50,000.

PHOTO: Screengrab from Go Fund Me page

Samantala, maraming netizens ang tila nanggigil sa grupo at tinawag pa silang iresponsable dahil hinayaan nilang dumami at umabot sa 200 ang kanilang mga aso.

Heto ang ilan sa mga nabasa namin sa X (dating Twitter):

“As a dog owner myself. (Actually DOGSSSS), you must be responsible sa pag-aalaga ng pets niyo. Imagine may 100++ kayong aso pero di niyo naisip na pagawan muna sila ng maayos na place na walang mabubulabog.”

“Ugh this 4th impact post ended up on my feed. So you’re telling me you didn’t spay your dogs and let it reach 200. And now you’re asking for funds so you can buy a place for them? This is simply irresponsible pet ownership! It’s ridiculous!”

“Nakakainit ulo itong 4th impact sa totoo lang.”

“These 4th impact flops are pissing me off, wdym they have 200 dogs and now gaslighting ppl for their ‘fundraising’ and saying ‘only true furparents will understand’ like…true furparents wouldn’t let their dogs keep on multiplying and make them as a business [emoji].”

“No wonder why the 4th Impact never made it big. They had the gall to say this as if they have a sustainable and responsible pet ownership, but now, they are asking for funds to purchase a land for their pets?”

Read more...