Jason Dy wish maka-collab si Sarah Geronimo: ‘Sana matuloy talaga’
MANIFESTING ang grand winner ng “The Voice Philippines” second season na si Jason Dy na makatrabaho muli ang dating coach na si Sarah Geronimo.
Sa isang interview kasama ang ilang entertainment press, diretshahang sinabi ni Jason na pangarap niyang maka-collaborate ang Popstar Royalty.
“Pero syempre ang wish ko talaga sana matuloy is with Sarah Geronimo,” sey niya.
Sa katunayan nga raw ay may isinusulat na siyang kanta upang ma-pitch sa batikang singer.
“I’m writing a song and ta-try kong i-pitch kay coach Sarah. Sana makapag-duet kami,” sambit niya.
Sinabi rin ni Jason na maraming naitulong sa kanyang matagumapay na singing career ang pinagdaanang journey sa “The Voice PH.”
Baka Bet Mo: Sarah Geronimo buntis na nga ba kaya hindi tumatanggap ng out of town shows?
“It feels like it just happened yesterday. It’s been ages ago ‘yung pagkapanalo ko sa ‘The Voice,’ I’m so very thankful na I’m still able to do what I do and ito pa rin ‘yung ginagawa ko nine years after,” masaya niyang kwento.
Nang tanungin naman kung willing siya maging coach sa bagong season ng reality singing competition.
Ang sagot niya, “Definitely, if they asked me. Huge honor. Talagang masasarado ‘yung circle from contestant to coach.”
Taong 2014 nang sumali si Jason sa “The Voice PH” at ang napili niyang coach ay si Sarah.
Diyan rin siya nag-umpisang sumikat hanggang sa nagwagi na nga siya sa nasabing kompetisyon.
Halos isang dekada na sa music industry ang 33-year-old singer at shinare niya kung ano-ano ang mga natutunan niya bilang music artist.
“Enjoy what you do, love what you do, continue improving, continue learning things about what you do,” saad niya.
Ani pa niya, “Be nice, kind to people kasi kahit gaano ka kagaling kung ayaw ka trabaho ng mga tao wala rin.”
Kasunod niyan ay binanggit ng singer na nakatakda siyang mag-release ng maraming single at magsasagawa ng concert tours this year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.