Show ni JUDAY sa DOS tatapatan ng bagong programa ni RYAN sa GMA | Bandera

Show ni JUDAY sa DOS tatapatan ng bagong programa ni RYAN sa GMA

Ervin Santiago - November 02, 2013 - 03:00 AM


MAY bali-balita na pagtatapatin ang reality show ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Umeere na ngayon ang Bet On Your Baby ni Juday sa ABS-CBN at tuloy na rin ang Picture-Picture ni Ryan sa GMA  na magiging first project nga niya sa Kapuso station as exclusive artist.

Hindi pa naman daw sigurado ito, pero ayon nga sa mga chika, magiging magandang laban daw ito kung saka-sakali at tiyak na pag-uusapan ng mga manonood – sino nga ba sa mag-asawa ang mas tututukan ng publiko?

Sa isang panayam kay Juday, natanong siya kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling maging magkalaban ang show nila ng kanyang mister.

“Napag-uusapan naman namin yan. Basta kapag mataas ang ratings ng show ko, hindi siya mag-iintrega pero kapag mataas ang ratings ng show niya dalawang buwang intrega sa isang buwan ang gagawin niya,” sagot ng Pinoy Soap Opera Queen.

“Wala naman sa amin yun, win-win naman sa amin ang ganu’ng mga bagay. Even before naman hindi talaga naming – as artists o as professionals – hindi namin ilalagay sa utak namin yung ratings para mas makikinig kami sa sasabihin ng tao, kung ano yung papaggawa ng show sa amin, kung ano ang sasabihin ng network namin.

“Yes ang ratings malaking bagay talaga pero kapag inisp mo talaga yun kapag inisip namin, or at least sa akin nawawala na yung focus ko sa trabaho kasi iniisip ko na lang kung paano patataasin ang ratings, kung kailangan ko pa ba kumendeng-kendeng.

“Alam mo yun, nasisira yung diskarte mo. Kami ni Ryan kung pagtapatin man yung show namin kunwari, yung mae-enjoy lang namin pareho.

Ibig sabihin sa buong timeslot na yun kami ang makikita ng buong tao, the Agoncillo household,” mahabang at positibong paliwanag ni Juday.

Kitang-kita ang kaligayahan ng misis ni Ryan sa pagiging TV host at dahil na rin sa magandang rating ng Bet On Your Baby, ibig bang sabihin nito, posibleng iwan na niyang tuluyan ang paggawa ng teleserye? “No naman, no naman.

Its just that very convenient lang talaga ang pagho-host, yung time, yung energy mo. Pag-uwi mo may konting energy ka pang natitira, may konti pang time for your kids and for your family at saka walang breakdown scenes.

“Walang walling, walang confrontation scenes, walang samapalan. Yung teleserye will always be a part of me, heart ko yun eh, heart ng pag-aartista ko yun hindi naman yun talagang pwedeng tatalikuran ko na siya.

Para ko namang sinabi na tatalikuran ko na yung talento ko talaga. “Babalik at babalik pa rin ako pero siyempre kapag may natapos ka na istorya na very successful, gusto mo pumasok sa isang istorya na alam mong mas successful.

Kaya nandu’n kami ngayon, nakaplano sa kung ano ang kayang higitan o tapatan ang Huwag Ka Lang Mawawala,” chika pa ni Juday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending