Gelli, Sherilyn, Patricia, Wilbert Lee sanib-pwersa sa 'Si Manoy ang Ninong Ko'

Gelli, Sherilyn, Patricia, Wilbert Lee sanib-pwersa sa ‘Si Manoy ang Ninong Ko’

Ervin Santiago - March 01, 2024 - 06:02 PM

Gelli, Sherilyn, Patricia, Wilbert Lee sanib-pwersa sa 'Si Manoy ang Ninong Ko'

Sherilyn Reyes-Tan, Gelli de Belen, Wilbert Lee, Patricia Tumulak

MA-INSPIRE sa mga kuwento ng pag-asa, katatagan at modern day “bayanihan” sa bagong public service show na “Si Manoy ang Ninong Ko” simula sa Linggo, March 3, sa GMA.

Magsisilbing hosts ng programa sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan, at si Manoy himself, ang dating businessman at ngayo’y isa nang public servant, Agri Party-list Rep. Wilbert T. Lee.

Ayon kay Manoy Wilbert, tampok sa “Si Manoy ang Ninong Ko” ang mga “tunay na kwento ng ating mga kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa atin para lalo tayong magsumikap, na hindi tayo mawalan ng pag-asa.”

“Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalampasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na sa kaibuturan ay may malasakit para sa bawat isa,” aniya.

Pagbabahagi naman ng actress-TV host na si Gelli, “Iyong mga problema nila na kailangan nila ng tulong, hindi siya ‘yong usual na kailangan ng pera o pagkain, ang kailangan talaga nila ay ang nakakatulong sa mga trabahong ginagawa na nila.”

Linggo-linggo, dalawang beneficiaries ang itatampok ng programa at personal na pupuntahan ng hosts para kapanayamin at harapang alamin ang kanilang mga hinaing.

Baka Bet Mo: Janice nagpakatotoo lang: I’m thankful si Ariel ang naging asawa ni Gelli

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Sometimes they just want to be seen and heard. Yung marinig lang natin ay malaking bagay at tulong na para sa kanila. Pero syempre di tayo hihinto riyan. Mabusisi nating aaralin ang bawat sitwasyon at susubukan nating bigyan ito ng pangmatagalang mga solusyon,” sabi naman ni Patricia.

Para naman kay Sherilyn, “Hindi natin sino-solve ang problema nila at the moment. Binibigyan din natin sila ng hope at chance na itaguyod ang kanilang pamilya o sarili nila.

“Kumbaga long term talaga at hindi kung ano lang yung mabigay ngayon iyon na,” aniya pa.

Sa tanong naman kung ano ang naging reaksyon nina Gelli, Sherilyn at Patricia nang i-offer sa kanila ang programa.

“Sobrang excited po ako. Unang-una nakapag-host na rin ako pero na-miss ko ito…lalo na kung naiintindihan mo ang plataporma ng programa.

“Pinag-pray ko ito kasi halos magkaroon ito ng conflict sa isang show kaya nakiusap po ako sa Sparkle na sana mailabas na yung permission na magawa ko ito. At ipinagpapasalamat ko na parte ako ng program na ito,” sagot ni Sherilyn.

Sey ni Patricia, “I’m grateful kasi bago sa akin ito. Yung malibot mo kung gaano kaganda yung Pilipinas. Challenging din ito sa akin dahil mag-iinterview ka ng one-on-one eh. Ibang atake ito. Lahat ito bago sa akin kaya I’m grateful.”

Tugon ni Gelli, “Noong una, inisip ko yun tapos may kasama kaming congressman. Okay lang ba yun? So marami akong inisip na ganu’n.

“Eventually, when they explained what was going to happen, kung ano yung advocacy ng show, yung focus, kung tatakbo man si congressman or not, naisip ko this is a show that wants to help fellow Filipinos.

“So more than the politics, ang importante yung may matutulungan. So sabi ko, I want to be a part of that. Kung may matutulungan, join ako,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pilot episode nito, pakikinggan at tutulungan nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia at Sherilyn ang mga onion farmer ng Pangasinan, pati na rin ang volunteer sea guardians ng Orani, Bataan.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng “Si Manoy ang Ninong Ko” ngayong Linggo, March 3, 7 a.m., sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending