MATINDING pressure ang nararamdaman ngayon ng Kapuso actress na si Jo Berry sa bago niyang serye sa GMA, ang “Lilet Matias, Attorney-At-Law.”
Hindi lang kasi basta drama ang gagawin niya sa latest afternoon series ng Kapuso Network kundi kailangan din niyang karirin ang pagganap bilang isang magaling na abogado.
Kuwento ni Jo sa naganap na grand mediacon ng “Lilet Matias”, bukod sa pagri-research tungkol sa batas at sa buhay ng mga lawyer, may legal consultant din sila sa taping.
“Pinanood kami nina Direk (Adolf Alix, Jr.) ng series, and pina-attend rin po kami ng court hearing with the production team bago nag-start ‘yung taping ng Lilet Matias,'” pagbabahagi ni Jo Berry.
Baka Bet Mo: Rabiya, Jeric dedma lang sa magkaibang religion; Jo Berry nagbalak mag-apply uli sa call center dahil sa pandemya
“And, every court scene po, may kasama kaming lawyer talaga, ‘yun po ‘yung tumutulong sa amin. At the same time, kapag sinusulat yung script, mayroon din silang consultant.
“Kapag may mga questions kami, kasi, ‘di ba, mahirap magbitaw ng lines kapag hindi talaga namin naiintindihan, tulungan talaga, tinatanong ko sila,” sey pa ng aktres.
In fairness, present din sa presscon ang tinutukoy ni Jo na legal consultant, si Atty. Bem Sabanal, na talagang nakabantay sa mga court scenes ng serye.
“Before the script is sent out to the actors, we go through a consultation, nandoon na ‘yung mga legal terms, legal procedures, legal processes.
“Of course, the story, buo na kasi siya. And so what I do is make sure na correct ‘yung sinasabi nila, at correct ‘yung proseso sa korte, especially kapag mayroong eksena sa loob ng court, I have to be there,” aniya.
Baka Bet Mo: Geneva nang alukin ng GMA bilang kontrabida: Sabi ko, teka muna ‘di ko alam kung matutuwa ako diyan…
Samantala, inamin nga ni Jo na grabe rin ang pressure na napi-feel niya lalo pa’t sa darating na Lunes, March 4, na ang airing ng “Lilet Matias” sa GMA Afternoon Prime.
Sila ang makaka-back-to-back ng top-rating series ng Kapuso Network na “Abot-Kamay Na Pangarap” starring Carmina Villarroel and Jillian Ward.
“Sa totoo lang malaking pressure, sobrang laki ng pressure, hindi lang sa akin kundi sa aming lahat.
“At the same time, I think it’s a good pressure naman kasi mas magsisikap kami na gumawa ng maganda, gampanan nang maayos ang mga characters namin kasi ‘yung sinundan namin is magandang show,” pag-amin ni Jo.
Sey pa ng aktres, siguradong maraming matututunan ang viewers sa “Lilet Matias, Attorney-At-Law”, lalo na pagdating sa usaping batas at hustisya.
Makakasama rin sa serye sina Sheryl Cruz, Rita Avila, Bobby Andrews, Jason Abalos, Lloyd Samartino, Troy Montero, Glenda Garcia, Sharmaine Santiago, Ariel Villasanta at Maricel Laxa-Pangilinan.
Ka-join din dito sina EA Guzman, Analyn Barro, Joaquin Domagoso, Zonia Mejia, Jenzel Angeles, at Hannah Arguelles.