EA Guzman umamin na: Shaira and I are engaged

EA Guzman umamin na: Shaira and I are engaged

Therese Arceo |February 16,2024
facebook
share this

EA Guzman umamin na: Shaira and I are engaged

Therese Arceo - February 16, 2024 - 02:43 PM

EA Guzman umamin na: Shaira and I are engaged

MATAGAL na pa lang engaged ang Kapuso celebrity couple na Shaira Diaz at EA Guzman.

Ang masayang balita ay ibinandera ng dalawa sa “Unang Hirit” ngayong umaga, February 16.

Para sa mga hindi aware, parte ng Kapuso morning show si Shaira.

Bumisita naman ang dyowa nito na si EA para mag-promote ng bagong nitong project na “Lilet Matias, Attorney-at-Law” na mapapanood na simula March 4.

At bilang guest ay sumalang siya sa “Mystery Memories” kung saan sina Shaira at Lyn Ching-Pascual.

Dito na nga ini-reveal ni EA na engaged ns pala sila ng kanyang longtime girlfriend.

“Alam ko nasa industriya kami ng show business, hindi ito sa taping, hindi ito eksena ng taping. Ito po ay nangyari sa aktwal na sitwasyon.

“It happened on December 25, 2021 and yes, mga Kapuso and UH family, Shaira and I are engaged,” paglalahad ni EA.

Makikita namang naluluha sa kanyang tabi ang “Unang Hirit” host habang ibinabahagi niya ang masayang balita.

Nang mausisa naman si EA kung bakit nila itinago ni Shaira nang ilang taon ang kanilang engagement, sinabi ng aktor na ito ay bilang respeto sa girlfriend.

Baka Bet Mo: Shaira Diaz hindi naniniwala sa ‘second chance’, handang iwan si EA Guzman kapag nagloko

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I respect Shaira a lot. Kung puwede lang naming isa-isahin. Pero I respect Shaira a lot so ni-respect ko lang yung time niya. I know na kapag nag-propose ako, baka mag-no ito sa akin, that’s the truth.

“Pero naniniwala ako sa pagmamahal niya and alam niya na kapag nag-propose ako sa kanya, pag nag-yes siya, I’m willing to wait. Maghihintay ako sa kanya. Sa right time niya, sa gusto niyang goal namin na pupuntahan… I’ll wait for her,” pagbabahagi ni EA.

Sey naman ni Shaira, kaya pumayag na rin siyang ianunsyo ang pagiging engaged nila ng longtime boyfriend ay dahil ready na siya.

“Ngayon ko lang na-feel talaga na reding-ready na ako, ready na akong gumawa ng pamilya in the future. Makasama siya habambuhay.

“So, sobrang ready na ako, gusto ko nang ipagsigawan sa mundo kung gaano kami nagmamahalan. Kung gaano ko siya kamahal,” sey ni Shaira.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napili rin niyang ibahagi ito sa unang pagkakataon sa “Unang Hirit” dahil sa pagmamahal sa kanilang programa.

“Itong naganap pong proposal, first time namin ise-share dito sa Unang Hirit, na sobrang mahal na mahal ko itong pamilya na ito, itong show na to,” sey pa ni Shaira.

Matatandaang unang nagkasama ang dalawa sa isang reality show at naging magdyowa noong February 17, 2013. Bukas ay ang kanilang 11th anniversary.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending