Catriona, Sam ‘spotted’ together: ‘Ogie left the group’

Catriona, Sam ‘spotted’ together, hirit ng netizens: ‘Ogie left the group’

Pauline del Rosario |February 26,2024
facebook
share this

Catriona, Sam ‘spotted’ together, hirit ng netizens: ‘Ogie left the group’

Pauline del Rosario - February 26, 2024 - 01:28 PM

Catriona, Sam ‘spotted’ together, hirit ng netizens: ‘Ogie left the group’

PHOTO: Instagram/@catriona_gray

FRESH na fresh pa ang balita ni Ogie Diaz patungkol sa nasagap nilang chika na matagal nang hiwalay ang engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby.

Pero ilang oras matapos itong i-upload sa YouTube vlog ng showbiz insider ay kumalat ang pictures ng couple na magkasama sa event ng kanilang kaibigang aktres na si Isabel Oli.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Isabel ang first-ever trade launch event na ginanap sa Taguig at kabilang sa mga guests niya ay sina Catriona at Sam.

Makikita pa sa litrato na magkatabi ang couple sa isang upuan at kahit tago ang mga daliri ng beauty queen ay tila makikita pa rin sa isang kamay na may suot siyang singsing.

“My very first trade-launch gathering with my @cornerstone clan. I was somewhat anxious about taking the little walk during the program, but my seatmates @catriona_gray @samuelmilby @charissetinionp @iamjusyoung and my husband @johnprats gave me encouragement and helped me feel more confident,” caption ng actress kung saan may picture na kasama niya ang nabanggit na celebrity couple.

Baka Bet Mo: Awra Briguela napagkamalang si Catriona Gray, ano’ng sey mo Sam Milby?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥 𝐎𝐥𝐢-𝐏𝐫𝐚𝐭𝐬 蘇 心 心🧸 (@isabeloliprats)

Sa comment section, may iilang netizens ang tila nabunutan ng tinik dahil hindi pa raw hiwalay sina Catriona at Sam.

May iba namang tila inasar si Ogie dahil hindi totoo umano ang chinika niya recently.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Ogie Diaz left the group…Sam and Cat forever [heart emojis]”

“Maghiwalay na lahat, ‘wag lang sina Sam at Cat. My God!”

“Obviously hindi hiwalay si Sam at Cat…Ogie Diaz left the group mali ka ngayon [laughing emoji]”

“Thank you for these pics Ate, very timely for Sam x Cat.”

“Praying really hard for @catriona_gray and @samuelmilby to stay together [folded hands emoji]”

Noong February 25, inilarawan ni Ogie sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” na tila parang sina Jericho Rosales at Kim Jones ang peg ngayon ng engaged couple base sa kanyang source.

Matagal na, aniya, hiwalay sina Sam at Cat pero nananatili raw silang magkaibigan.

Kwento ng talent manager at vlogger, “Sabi niya, ‘nung birthday ni Catriona Gray, wala na sila…at nandoon naman daw si Sam, pero sila raw ay magkaibigan na lamang. Kaya sabi ko, ‘hindi ko alam ‘yan, baka iniintriga mo lang ‘yan’.”

Dagdag pa ni Ogie, “Tsaka lang ako maniniwala pag sila mismo dalawa ang nag-announce na wala na sila at hindi na tuloy ang kanilang kasal.”

Kasunod niyan ay chinika ng kasama niya sa vlog na si Mama Loi ang natanggap na impormasyon mula sa isang malapit na kaibigan ng pamilya ni Catriona.

“Parang tumutugma ‘yung sinasabi mo sa isang nag-message sakin from Australia, na ‘yun nga daw, wala na sila Catriona at Sam,” wika ng kasama ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy niya, “Parang may nagkwento sa kanila na close sa family ni Catriona na ‘yun na nga daw, matagal nang wala sina Sam Milby at Catriona Gray ilang months na daw. Tapos parang ang reason naman ng paghihiwalay is may nag-fall out of love. Hindi daw alam kung sino sa dalawa.”

Bandang huli ay nagpaabot ng mensahe si Ogie sa mga manonood at nilinaw na pawang mga chismis pa lang ang mga nasasagap nilang kwento mula sa kanilang sources.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending