Dasal ni Diego paglaki ng anak: I hope you don’t judge me for my past

Dasal ni Diego paglaki ng anak: I hope you don't judge me for my past

Diego Loyzaga at Baby Hailey

HINDING-HINDI ipararanas ni Diego Loyzaga sa kanyang anak na si Baby Hailey ang mga hindi magagandang napagdaanan niya noon sa buhay.

Gagawin daw ng aktor ang lahat-lahat para mabigyan at masiguro ang maayos, masaya at magandang buhay ang kanyang panganay.

“I just want to be a present father. As much as possible, everywhere I go kasama sila.


“I think everyday may bago akong natutunan, meron akong bagong na-realize na it’s not about me anymore,” ang sabi ni Diego sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, February 23.

Baka Bet Mo: Selena Gomez ‘to the rescue’ sa pambu-bully kay Hailey Bieber, nagkaayos na nga ba?

Pagbabahagi pa ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, isa sa pagtutuunan niya ng pansin ngayong 2024 ay ang magiging tahanan nila ni Hailey.

“I’m fixing kung ano magiging playroom niya, ano ang magiging kuwarto niya. Ang theme ko sa bahay is gusto ko ‘yung may pagka-mancave.

“Everything is mancavey. Tapos ‘yung kuwarto ni Hailey is all pink, nice and colorful,” ang napangiting chika ng aktor.

Ibang-iba na rin daw ang mga priorities niya ngayon sa buhay bilang isa na ring tatay, “But at the same time in the back of my head, lagi ko nang iniisip, it’s not just about Diego anymore, it’s Diego and Hailey.

“And siyempre my baby’s mama also, iniisip ko rin siya. Hindi ka na puwedeng mag-complain,” saad pa ni Diego kasabay ng pagsasabing nag-uusap na sila ng ina ni Hailey kung saan ito mag-aaral.


“Her birthday (Hailey) is in May. Last month pa ako nagplano kung saan namin ise-celebrate,” sabi ni Diego.

Sa tanong naman ni Tito Boy kung papayag ba si Diego na mag-showbiz din si Hailey pagdating ng panahon, ang matigas na sagot ng aktor, “No!”

Baka Bet Mo: 3 Kapuso stars na bida sa ‘Underage’ nakiusap sa netizens: ‘Huwag tayong mag-judge agad-agad sa social media’

Ito naman ang message ni Diego kay Hailey patungkol sa lahat ng kanyang mga pinagdaanang challenges sa buhay, “Anak, in life, people make mistakes. And I think naman if you don’t make mistakes you don’t really grow.

“Bata ako nag-start mag-showbiz eh, sobrang bata. Everything I did, whether good or bad, it was publicized, because your life is literally an open book for the public to see.

“I’d just say to her na ‘I hope you don’t judge me for my past, I hope you don’t look at me differently for the mistakes I have done, and maybe might still do in the future.

“But just know that I love you. And I promise that I will give you a life that I never had.

“I know my parents did the most they could do for me, pero ako for myself, I will really do everything in my power, kahit ano pang maisumbat ng tao sa akin na ‘Diego is this, Diego is that, ito ‘yung mga nagawa niya.’

“I will never, ever be an absent or not a loving father,” pangako pa ni Diego sa pinakamamahal na anak.

Read more...