3 Kapuso stars na bida sa 'Underage' nakiusap sa netizens: 'Huwag tayong mag-judge agad-agad sa social media' | Bandera

3 Kapuso stars na bida sa ‘Underage’ nakiusap sa netizens: ‘Huwag tayong mag-judge agad-agad sa social media’

Ervin Santiago |January 19,2023
facebook
share this

3 Kapuso stars na bida sa ‘Underage’ nakiusap sa netizens: ‘Huwag tayong mag-judge agad-agad sa social media’

Ervin Santiago - January 19, 2023 - 07:48 AM

3 Kapuso stars na bida sa 'Underage' nakiusap sa netizens: 'Huwag tayong mag-judge agad-agad sa social media'

Hailey Mendes, Lexi Gonzales at Elijah Alejo

SIGURADONG maraming matututunan ang mga kabataan sa pinakabagong afternoon coming-of-age drama series ng GMA 7 na “Underage”.

Bida rito ang mga promising Sparkle youngstars ng Kapuso Network na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes na gumaganap na magkakapatid na sa murang edad ay haharap na sa matitinding pagsubok.

Sa naganap na online media conference ng TV version ng classic Regal Films movie, natanong ang tatlong bida ng “Underage” tungkol sa paggamit ng social media. Isa kasi ito sa tema ng serye kung saan masasangkot ang magkakapatid sa isang video scandal.

Pahayag ng “StarStruck Season 7” First Princess na si Lexi, “Think before you click. Maging mapanuri tayo. Tingnan muna natin kung tama ba ‘yung shine-share natin. Let us be responsible netizens.”

Para naman kay Elijah, “Check n’yo po muna if totoo kasi ang dami po sa atin ngayon na nagko-comment na lang basta-basta because of a picture.

“Minsan nga po, hindi na po binubuksan ng iba ‘yung website, kung ano na lang po ‘yung nakikita nila sa headlines, titles, doon na po sila magre-react agad and mamba-bash na po sila, idya-judge na po nila ‘yung pagkatao ng isang personality just because of that certain article, video, photo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lexi Gonzales (@lalexigonzales)


“So iwasan po natin ‘yung ganu’n kasi ‘yung iba po hindi po masyadong strong when it comes to situations like that,” sabi pa ng magaling na young actress.

Mag-ingat sa mga ipino-post na personal na mga bagay sa socmed ang payo naman ni Hailey sa mga kabataan, “Huwag pong maniwala agad sa kung anu-anong balita at saka mag-ingat po sa mga ipo-post natin.

“Kasi kahit ano naman pong gawin natin, may masasabi po talaga ang mga tao. Kaya just do you lang po, maging masaya ka lang,” dagdag pa niya.

Napapanood ang “Underage”, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Lexi, Elijah, Hailey napasabak sa matinding dramahan sa TV remake ng ‘Underage’; nagbabala sa paggamit ng social media

Gerald, Julia ikinumpara kina Justin Bieber at Hailey Baldwin; bashers sunog sa JuRald fans

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene tinawag na astig, totoong tao si Charlie; Lexi super happy sa piling ni Gil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending