Gerald, Julia ikinumpara kina Justin Bieber at Hailey Baldwin; bashers sunog sa JuRald fans | Bandera

Gerald, Julia ikinumpara kina Justin Bieber at Hailey Baldwin; bashers sunog sa JuRald fans

Alex Brosas |July 08,2021
facebook
share this

Gerald, Julia ikinumpara kina Justin Bieber at Hailey Baldwin; bashers sunog sa JuRald fans

Alex Brosas - July 08, 2021 - 11:38 AM

NAKUNAN ng video sina Gerald Anderson at Julia Barretto while walking na magka-holding hands.

Na-post ang video nila sa juralds.officialfanpage sa Instagram at siyempre marami ang natuwa sa sweet moment ng magdyowa.

Since the IG page was for Gerald and Julia fans, walang nambasag sa dalawa, lahat ng comments ay pabor sa magdyowa.

“Sweet yarn?! Ok lang mahaba ang lakarin basta ka HHWW mo c gerald, db baby? Ju sub kelangan mo? Hahahaha!” caption ng official fan page IG account sa video.

Ang daming nag-react, all of them positive at nambasag pa sa bashers ng magdyowa.
“This brings back BM premiere night feels.”

“Naku lalong hindi maka move on mga Bashers & Haters nyan admin…masyado mo namang pinapa bitter.”

“Na burn agad mga unggoy na bashers ng JuRald.”

“Gandang pagmasdan sila di ba? Nakakatanggal pagod…..road to for ever na yan ha.”

“Hehe dami na naman tatahol nyan.”

“Parang Justin B and Hailey B ah, HHWW! Stress at pagod ako kanina but now, maygad JuRald.”
“Daming tigers mag wawala na naman!”

“So sweet, I love it, stay strong, stay in love lovely couple. Jurald… God bless you both.”

* * *

Nabigyan na ng sagot ang isa sa pinakamalalaking tanong sa buhay nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) pagkatapos nilang madiskubre ang katotohanang magkapatid sila sa ABS-CBN teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Natuklasan na sa wakas ni Joy na kapatid niya si Mira pagkatapos niyang malaman na nagmamay-ari din siya ng isang krus na kapareho ng kay Mira. 

Ayon sa lola nila, ang nanay mismo nila ang gumawa ng mga ito para sa kanilang dalawa. 
Ngayong alam na nila ang tunay nilang relasyon, iigting ang paghahanap nila sa kanilang ina, lalo na’t nalaman nilang pumunta ito sa Hermoso noon para hanapin ang tatay ni Joy na si Samuel (Diether Ocampo). 

Ngunit sa kabila nito, wala pa ring kamalay-malay sina Mira at Joy na matagal nang pinatay nina Agatha at Deborah (Mercedes Cabral) ang kanilang ina at hanggang ngayon ay naghahanap sila ng paraan upang paghiwalayin ang dalawang dalaga.

Ano pa ang masasamang balak nina Agatha at Deborah kina Mira at Joy? Matuklasan pa kaya nina Mira at Joy ang totoong dahilan ng pagkawala ng kanilang ina?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Huwag Kang Mangamba,” airs weeknights on the Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, and iflix. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending