Maxene tinawag na astig, totoong tao si Charlie; Lexi super happy sa piling ni Gil | Bandera

Maxene tinawag na astig, totoong tao si Charlie; Lexi super happy sa piling ni Gil

Ervin Santiago |April 13,2022
facebook
share this

Maxene tinawag na astig, totoong tao si Charlie; Lexi super happy sa piling ni Gil

Ervin Santiago - April 13, 2022 - 05:14 PM

Lexi Gonzales, Gil Cuerva, Charlie Dizon at Maxene Magalona

SA Amerika nag-celebrate ng kanyang 26th birthday ang award-winning Kapamilya actress na si Charlie Dizon.

Kahapon, April 12, ipinagdiwang ni Charlie ang kayang kaarawan kasama ang pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Base sa mga ipinost niyang litrato sa Instagram, nagtungo ang dalaga sa napakagandang Lake Amador sa California kung saan sila nagsama-sama ng kanyang family and friends.

Sa caption ng mga ibinahagi niyang photos, pinasalamatan din ni Charlie ang mga nakaalala at bumati sa kanyang special day.

“Thankful for the gift of life, love, family, friends and my dear supporters. Thank you Lord.

“This year, I had the chance to celebrate this special day with my family and friends. Best celebration so far,” mensahe ni Charlie.

Ilan sa mga celebrities na bumati ng “happy birthday” sa aktres ay sina Dingdong Dantes, Ruffa Gutierrez, Maymay Entrata, Dimples Romana, Nikki Valdez at Maxene Magalona na kasama ni Charlie sa Kapamilya series na “Viral Scandal.”

In fairness, ang bongga ng message ni Maxene kay Charlie kalakip ang litrato nila together. Aniya sa caption, Fan ako ni @charliedizon_.

“Bukod sa napakahusay niya na aktres, isa siya sa pinakatotoong tao na nakilala ko sa mundong ito. Tunay na kaibigan, napakabait na nilalang. Maganda, magaling sumayaw at nakakatawa pa! Basta sobrang astig siya.

“Happy birthday, Ap-Real! We love you and we are so proud of you! God bless your journey,” pahayag pa ni Maxene.

Reply naman ni Charlie sa kanya, “Awww thank you Mayoraaa!!! Love you Ate Maxx!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charlie Dizon (@charliedizon_)


* * *

Super happy ang relasyon ng dalawang Kapuso stars na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva pero ayaw pa nila itong lagyan ng label.

Ipinagdiinan ni Lexi na hindi naman daw sila nagmamadali ng hunk actor at TV host, kumbaga chill-chill lang muna sila.

“We’re taking it slow, we’re not also in a hurry. So slowly but surely,” ang sabi ni Lexi sa inteview ng Kapuso Showbiz News.

Aniya pa, nasa getting-to-know each other stage pa rin sila ni Gil at nalaman nga niya na marami silang similarities ng binata, kabilang na ang hilig nila sa pagkain.

Kuwento pa ng dalaga, na-meet na niya ang pamilya ni Gil nang isama siya ng aktor sa kanilang family reunion. Nakilala na rin daw   ng kaniyang mommy si Gil.

Chika pa ni Lexi, “Hindi naman kami nagmamadali and don’t want to pressure each other also.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Charlie Dizon laging bigay-todo sa aktingan: Ayokong may pagsisihan ako sa mga projects na ginawa ko

Charlie Dizon posible nga bang ma-develop kay Joshua Garcia?

Dimples todo puri kay Charlie: Pakiramdam ko mas marami akong natututunan sa kanya

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending