Vice apektado na rin sa ingay ng mundo: Ang gulo, ang lupit!

Vice apektado na rin sa ingay ng mundo: Ang hirap, ang gulo, ang lupit!

Ervin Santiago - February 26, 2024 - 08:30 AM

Vice apektado na rin sa ingay ng mundo: Ang hirap, ang gulo, ang lupit!

Ion Perez at Vice Ganda

AMINADO ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda na may pagkakataong naaapektuhan din siya ng mga pangnenega at pakikialam ng ibang tao.

Relate much si Vice sa mga binitiwang salita ng isang contestant sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” last Friday, February 23.

Naging mainit kasing usapin sa programa ang naging tanong ng mag-ex na sina Dexter at Cassy kung paano mapapangalaagaan ang katahimikan ng isang relasyon sa mundong punong-puno ng ingay.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla wapakels sa bashers, haters: I’m no longer affected…

Sabi ng finalist na si Susan, “For me po, even we lived in a cruel world, hindi po natin mapipigilan ang kaingayan ng mundo.

“But we have the choice para mapanatiling tahimik ‘yung relationship… Hindi mo naman kailangan na ipagkalandakan na kayo talaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“For me po as nagsi-serve sa church mas napapanatili ‘yung relasyon kapag both kayo ay servants ng Lord. ‘Yun po ang pinaka-pinanghahawakan ko po.

“Mas titibay ang relasyon kapag ang foundation po ay si Lord,” ang  emosyonal pang sagot ng “EXpecially For You” contestant.

Reaksyon ni Vice, “Gets ko ‘yung point niya. Sa ingay ng mundo, hindi mo naman daw mako-control ‘di ba pero dahil ang laki ng bahagi sa inyo ng Panginoon, ‘yun ang nagpapalakas sa inyo. Which is so true. Super gets”

Baka Bet Mo: Pambubuking ni Alexa Ilacad kay Charlie Dizon: ‘The best siya talaga! Opposites kami in a way kasi ang ingay talaga niya!’

Kasunod nito, nabanggit nga ng TV host-comedian na may mga araw na naaapektuhan din siya kapag personal na buhay na niya ang pinag-uusapan.

“Ang hirap ng ganyan ‘yung ang ingay-ingay, ‘di ba? At hindi mo naman puwedeng sabihin, lalo na kapag artista ka, sinasabi nila ‘dedmahin mo lang, learn the art of dedma’ But not all the time kaya mong mangdedma,” sey pa ng komedyante.

“Not all the time kaya mong umiwas. Kasi minsan kahit na anong iwas mo nandidito o nakikita mo ‘yung sinasabi, naririnig mo ‘yung sinasabi, nararamdaman mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang hirap-hirap. Ang dilim, ang ingay, ang gulo, ang lupit. Kaya mahirap,” ang emosyonal na sabi pa ng Unkabogable Star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending