Jennylyn, Dennis balak tumira sa US kapag nag-retire

Jennylyn, Dennis bumili ng bahay sa US, doon na titira kapag nag-retire

Pauline del Rosario |February 25,2024
facebook
share this

Jennylyn, Dennis bumili ng bahay sa US, doon na titira kapag nag-retire

Pauline del Rosario - February 25, 2024 - 01:28 PM

Jennylyn, Dennis bumili ng bahay sa US, doon na titira kapag nag-retire

PHOTO: Instagram/@mercadojenny

SAKALING magretiro sa mundo ng showbiz, sinabi ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na plano nilang manirahan sa ibang bansa.

Sa podcast na GMA Pinoy TV, ibinunyag ng Kapuso actress na bumili na sila ng property sa United States bilang parte ng kanilang backup plan sakaling tuluyan na nilang lisanin ang entertainment industry.

“Investment siya pero kasama ‘yun sa backup plan,” sey ni Jennylyn.

Paliwanag niya, “Pagka ayaw na namin sa Philippines, gusto na naming mag-retire sa ibang bansa, at least meron kaming matitirhan out of the country.”

Ito raw ang naisip nila dahil: “Doon kasi walang pakialamanan ‘yung mga tao, ‘di ba, kahit saan ka pumunta normal.”

Baka Bet Mo: Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami

“Sarap din ng feeling na kahit ano pwede mong gawin kahit tumambling ka sa kalsada, ‘yung mga gano’n. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo nang walang makakapansin sa ‘yo, walang magpo-post sa ‘yo sa social media, mas may freedom,” chika ng Kapuso actress.

February last year nang unang ipinasilip ni Jennylyn ang two-story house nila sa Amerika sa pamamagitan ng Instagram Story.

Ang caption pa nga niya riyan ay: “Thank you, Lord [red heart emojis].”

Ibinahagi rin ni Becky Aguila, ang manager ng couple, ang lokasyon ng nasabing bahay na nasa Summerlin Residential Community sa Las Vegas Valley, Southern Nevada.

May maganda pa nga raw itong view na makikita ang sikat na Red Rock Canyon.

Maliban sa out-of-country residence, Ang mag-asawa ay may rest house din sa Tanay, Rizal na gawa sa shipping containers.

“Habang tumatanda gusto mo laging peaceful na lang. Ayaw mo na ng controversies,” sambit ni Trillo habang ipinapaliwanag kung bakit low-key sila ng misis pagdating sa kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag ni Jennylyn, “Saka hindi naman lahat ng masasayang bagay kailangan namin i-share. Pwede naman, ‘yung tahimik lang, nag-eenjoy lang kami.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending