Bianca na-ghost ng inakalang dyowa: Heartbroken nang bonggang-bongga!

Bianca na-ghost ng inakalang dyowa: Heartbroken nang bonggang-bongga!

Bianca Umali

NABIKTIMA rin ng “multo” ang Kapuso actress na si Bianca Umali matapos dedmahin ng dating karelasyon at tuluyan nang hindi nagparamdam.

Yes, yes, yes mga ka-Marites, na-ghost din pala ang dalaga ng isang lalaking itinuring niyang boyfriend pero bigla na lang daw nawala na parang bula.

Ni-reveal ni Bianca ang tungkol dito sa YouTube series ni Luis Manzano na “Luis Listens.” Binalikan ni Luis ang kuwento na unang ichinika sa kanya ni Bianca nang nagkasama sila sa “It’s Your Lucky Day”, ang noontime show na pansamantalang pumalit noon sa “It’s Showtime.”


“Akala mo dati that there was something going on, tapos bigla na lang you found out na wala pala, laglag pala,” ang sabi ni Luis sa Kapuso star.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid, Bianca Umali magtutulong para maipatayo ang dream house, uunahin muna ang mga kailangan ng kani-kanilang pamilya

“Ako lang ang nakakaalam na meron pala kaming something,” ang super laugh na reaksyon ng girlfriend ni Ruru Madrid.

“Hindi lang crush kasi sa akin, boyfriend ko siya eh. Napaikot ako eh. Like may days na, ‘Oh, alam pala niya na kami.’ Pero most of the time, ‘Kami ba?'” paliwanag pa ng dalaga.

Rebelasyon pa niya, “He never said I love you, pero para kasi sa akin noon, wala pa rin akong alam nu’n eh.

“Like kung ano bang feeling ng gusto ka ng tao, na mahal ka ng tao. So, para sa akin, the fact nireplayan ako, ‘yun na ‘yon,” chika pa ng aktres.


Nang usisain ni Luis kung paano niya nalaman na hindi pa sila ng guy, sey ni Bianca, “Actually, hindi pa nga niya binagsak. Tinanggap ko na lang kasi hindi na niya ako nireplayan. Hindi na niya ako nireplayan, so parang ‘Sige, okay lang.'”

Baka Bet Mo: Bianca Umali kilig na kilig sa pagsundo ni Ruru Madrid, bakit kaya?

“Pero grabe, heartbroken ako nang bonggang-bongga nu’n,” aniya pa.

Walang binanggit na pangalan si Bianca, pero ang huli niyang nakarelasyon sa showbiz ay si Miguel Tanfelix.

Pero ngayon, super happy and contented na si Bianca sa piling ni Ruru. In fact, magse-celebrate na sila ng kanilang 6th anniversary as a couple sa darating na July.

Read more...