“IINOM na lang ako ng tubig. Ang sakit-sakit nu’n, yung gutom na gutom ka tapos mahapdi ang sikmura!” ang rebelasyon ni Maricel Soriano.
Ito’y may kaugnayan tungkol sa kahirapan ng buhay na naranasan niya at ng kanilang pamilya noong kanyang kabataan.
Parang teleserye at pelikula rin ang buhay ni Marya nu’ng kabataan niya dahil sa mga nakakalokang twists and turns sa kanyang life story.
Ayon sa award-winning actress at showbiz icon sa interview ng YouTube channel ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Tita Aster Amoyo, ang “TicTALK, may mga pagkakataon na wala silang makain noon.
Baka Bet Mo: 9 tips para makatipid ng tubig sa panahon ng tag-init
“Yung natutulog ka tapos magigising ka, magtatanong ako kung may breakfast ba tayo?
“Sabi ng mga kapatid ko wala tayong breakfast. Matulog ka na lang muna mahaba pa ang araw. Ganu’n ang mga usapan namin,” pagbabalik-tanaw ni Maricel.
Dugtong pa niya, “Tapos iinom na lang ako ng tubig. Ang sakit nu’n. Yung gutom na gutom ka tapos mahapdi ang sikmura.
“So iinom ka na lang tubig at naiiyak ka na lang. Hanggang sa makatulugan mo na lang yung iyak at paggising mo, wala pa ring pagkain. (Sasabihin ko) ‘Lord, tulungan n’yo naman po kami kasi wala kaming pagkain.'”
“Kapag naaalala ko yun, ginaganahan akong magtrabaho,” sey pa ng premyadong aktres.
Samantala, kahit produkto siya ng broken family, never niyang naramdaman ang kawalan ng pamilya – iyan ay dahil sa mga nakatrabaho niya sa classic at matagumpay na sitcom na “John En Marsha”, na umere noong 1973 na tumagal hanggang 1990.
“I came from a broken family. Tapos sabi nila sa school, ay ganun? Hiwalay ang mommy at daddy mo. Sabi ko may pangsagot ako sa tanong mo.
“Hindi porke galing ako sa isang broken family, hindi ko na alam ang feeling ng isang buong pamilya.
“Kasi may buo akong pamilya. John en Marsha ang pangalan nila. Daddy ko si Dolphy at mommy ko si Nida Blanca. Doon ako na mould. Ibang klase kasi yung sitcom na yun eh. Sa kanila ko naramdaman na buo ang pamilya,” pahayag ni Marya.
Feeling din niya ay itinuring na siyang tunay na anak ni Dolphy, “Ang dami kong natutunang leksyon at ang dami kong natutunan noong nawala siya. Naiintindihan ko na ngayon yung mga bilin niya sa akin. Yung mga pangaral niya sa akin.”
Baka Bet Mo: Maricel naiisip na ring mag-retire sa showbiz: Pero hindi ko siya pwedeng talikuran!
Patungkol naman kay Nida Blanca, “Sobra rin yan mag-alaga. Feeling niya anak niya ako. Siguro once upon a time in our lives baka naging pamilya ka. Parang somewhere, somehow, meron kaming connection noon pa.”
Paglalarawan naman ni Maricel sa tunay niyang nanay, “My real mom Linda is my rock. So noong nawala siya, hindi ko alam kung saan ako dadamputin. Everyday kausap ko siya, eh.
“I pray everyday para makausap ko siya. Sobra kong mahal ang mommy ko. Siya rin ang best friend ko eh,” aniya pa.