Iza: Hindi ako perpekto, motherhood will trigger you in a lot of ways
By: Ervin Santiago
- 11 months ago
Iza Calzado at Baby Deia Amihan
SUPER thankful at feeling grateful si Iza Calzado sa kanyang asawang si Ben Wintle dahil sa pagiging mapagmahal at very supportive na partner.
Naging emosyonal ang aktres nang mapag-usapan muli ang naging buhay niya noong kanyang kabataan, lalo na nang magkaroon ng matinding depresyon ang ina.
Hanggang ngayon ay may mga pagkakataon na bumabalik sa alaala ni Iza ang malungkot na bahagi ng kanyang buhay dahil sa pinagdaanang pagsubok ng nanay niyang si Mary Ann Ussher.
“Nu’ng bata ako okay naman eh, medyo around Grade 2 lang talaga after she had her child na parang medyo nag-iba ang timpla, medyo lumala ng konti,” ang sabi ni Iza sa “On Cue”.
Patuloy ng premyadong aktres, “Pero ‘yun siguro ang kinatatakutan ko dati, kung bakit natagalan ako magkaroon ng anak.”
Pagbabahagi pa ni Iza, ang mga matitinding pagsubok na pinagdaanan ng ina ang isa sa mga isyu na hinarap nila ng kanyang mister na si Ben Wintle, partikular na sa sa pagbuo ng sarili nilang pamilya.
“I guess ang difference nu’n, he knows what he’s decided to get into with me. So kahit siguro may tips ka or may mga pinagdaraanan ka, he patiently tries to work it out with me kumbaga.
“And ako naman nakita ko rin na malaki rin kasi ang desire ko na mag-improve sa sarili ko kasi nga hindi nga ako perpekto.
“Motherhood will trigger you in a lot of ways eh. Hindi pa nga nagsasalita si Deia (panganay nila ni Ben) kaya talagang ako andon ‘yung nag-parenting workshop kami, I try to read as much as I can.
“But you cannot read so much, it’s an application,” tuluy-tuloy na esplika ng aktres.
Naniniwala si Iza na napakalaki ng nagawang tulong sa kanya ang pagiging positibo at palaging pagdarasal para malampasan ang kanyang pinagdaanang journey sa buhay.
“I think a lot of it is forgiving yourself when you make mistakes because you truly make mistakes all the way. So hinahanda ko rin ‘yung sarili ko diyan,” aniya.
Naging inspirasyon din niya ang pagiging matapang at palaban ng ina, “She was a warrior in a sense because she fought what she had…
“How hard she fought and I saw it and I witnessed it. God bless her talaga for enduring as much as she could.
“Buti na lang, we talk about mental health more now, we have support groups, we are aware that other people we’re also experiencing it.
“Because ‘yung nanay ko, nung panahon niya, she was reaching out, she was reading all these books. Actually kung buhay ang nanay ko ngayon, content creator siya.
“Oo iba ‘yun e’, napakatalino niya. She knew a lot of things, she was seeing a therapist, she wanted my dad to read but my dad has no time to read, kaya nga sabi ko iba eh,'” chika pa ng aktres.
Sa huli, pinasalamatan din niya ang yumaong amang si Lito Calzado na naging sandalan niya noong panahong sunud-sunod ang pagdating nga mga pagsubok.