Zanjoe, Ria engaged na: ‘Forever sounds good…and tastes even better!’

Zanjoe, Ria engaged na: 'Forever sounds good...and tastes even better!'

Ria Atayde at Zanjoe Marudo

#NEXT LEVEL na yarn! Yes! Engaged na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde!

Ibinandera ng magdyowa ang kanilang engagement sa kani-kanilang Instagram account ngayong araw, February 20.

“Forever sounds good,” ang caption ng Kapamilya actress sa litrato nila ni Zanjoe.

Nag-reply naman ang aktor sa comment section ng post ni Ria ng, “And tastes even better.”


Ibinahagi rin ni Zanjoe ang sweet photo nila ng kanyang fiancée sa Instagram stories kung saan makikitang suot ng aktres ang kanilang engagement ring. Mababasa rito ang mga katagang, “Hi fiance.”

Baka Bet Mo: Ria Atayde naniniwalang si Zanjoe Marudo na ang ‘the one’, pero handa na nga bang magpakasal at magkapamilya?

Bumuhos ang mga pagbati para kina Zanjoe at Ria mula sa netizens, kabilang na ang mga mensahe from their celebrity friends.

“Ily both! Congrats and best wishes, Z and Riri!” ang comment ni Janine Gutierrez.

Excited na sey naman ni Angelica Panganiban, “Ayaaaaan na!”

“OMG!!!!! My heartfelt congratulations go out to the both of you. God bless you,” mensahe ni Gary Valenciano.

“Yaaaay love you guys!” ang pagbati ni Maine Mendoza.

Sey ni Iya Villania, “Aww congrats you guys.”


Kinumpirma ni Zanjoe sa publiko ang relationship nila ni Ria last January, 2023 matapos ang ilang buwan nilang pagde-date.

Baka Bet Mo: Zanjoe super loyal pa rin sa ABS-CBN, Star Magic: Hindi yun mababayaran ng kahit ano

Sa isang panayam, sinabi ni Ria na feeling blessed and thankful siya sa pagdating ni Zanjoe sa buhay niya, “I’m very happy right now. I’m in a relationship where I feel valued and where there’s so much mutual respect, mutual admiration.

Tungkol naman sa hindi nila madalas na pagse-share sa publiko ng mga kaganapan sa kanilang relasyon, “I feel like because much of it is so public, just to protect it from people’s thoughts and intentions. Basta it’s nice to be happy.”

“I actually don’t know how we started. Ha-hahaha! We’ve been friends kasi for so long. Basta it started around last year, and we made it official last year din, in 2022,” ang chika ni Ria nang tanungin kung kailan nagsimula ang love story nila ni Zanjoe.

Read more...