Zanjoe super loyal pa rin sa ABS-CBN, Star Magic: Hindi yun mababayaran ng kahit ano | Bandera

Zanjoe super loyal pa rin sa ABS-CBN, Star Magic: Hindi yun mababayaran ng kahit ano

Ervin Santiago |February 24,2022
facebook
share this

Zanjoe super loyal pa rin sa ABS-CBN, Star Magic: Hindi yun mababayaran ng kahit ano

Ervin Santiago - February 24, 2022 - 07:55 AM

Zanjoe Marudo

KAHIT wala pa ring girlfriend hanggang ngayon, naniniwala pa rin ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo na totoong may “forever.”

Sa muling pagpirma ng binata ng exclusive contract sa kanyang mother network kagabi, Feb. 23, ibinandera niya ang mga katagang, “Sa ABS, sa Kapamilya, mas du’n ako sigurado na meron akong forever.”

In fairness, 15 years na ngayon si Zanjoe sa Kapamilya channel at talagang bumongga agad ang showbiz career niya mula nang maging celebrity housemate siya sa “Pinoy Big Brother”.

“Ramdam na ramdam ko sa loob ng 15 years kung gaano nila ako pinahalagahan din. Yung mga chances at opportunities na binigay nila nang paulit-ulit. Hindi nila ako tinigilan na pagkatiwalaan,” ang pahayag ng aktor sa ginanap na “Kapamilya Strong 2022” event kahapon.

Ayon kay Zanjoe, itinuturing niyang isa sa highlights ng kanyang pagiging Star Magic artist ang pagiging housemate ni Big Brother dahil ito ang nagbukas ng mga bonggang opportunities sa kanya.

Pahayag pa ng aktor, “Matagal na panahon na rin yung naging relasyon namin sa Star Magic. Hindi naman na yun mababayaran ng kahit ano.

“Nu’ng nag-uumpisa kami, lahat ng kailangan, tulong na hiningi namin, ibinigay nila hanggang sa makarating kami kung nasan kami ngayon.

“Kapag dumating naman yung panahon na kami naman yung kailangan, sana naman nandu’n kami. Sama-sama isang pamilya, lahat magtutulungan. Hindi pwedeng sa sarap lang lagi o sa ginhawa,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)


Napapanood ngayon si Zanjoe sa Philippine adaptation ng hit BBC series na “Doctor Foster”, ang pinag-uusapan ngayong “The Broken Marriage Vow” kasama sina Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez. 

Bukod kay Zanjoe, ang ilan pang nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN at Star Magic ay sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Jolina Magdangal, Erich Gonzales, Shaina Magdayao, Sam Milby, Gerald Anderson at Jake Cuenca.

Zanjoe 15 years na sa showbiz: Ang tagal na pala…mahal na mahal ko yung ginagawa ko

Parang tatay ko na talaga si Kuya Zanjoe at feel na feel ko na nanay ko si Mama Jodi – Zaijian

Zanjoe habang nagte-taping ng bagong serye: Para kayong namboboso, ganu’n ‘yung naramdaman ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending