Talak ni Kakai: Playing bobo-bobohan to get attention is NEVER FUNNY!

Talak ni Kakai: Playing bobo-bobohan to get attention is NEVER FUNNY!

Kakai Bautista

UMANI ng iba’t ibang reaksyon ang sunud-sunod na post ni Kakai Bautista sa Facebook patungkol sa tamang paggamit ng mga salita sa pangungusap.

Pinuna kasi ng komedyana ang ilang taong naririnig at nakikita niyang nag-uusap sa personal pati na ang nagkokomentong netizens sa mga social media post.

Tila tinuruan pa ni Kakai ang mga ito sa wastong paggamit ng mga salita kapag ang pinatutungkulan ay tao at bagay.

Baka Bet Mo: Billy Crawford may napili na sa Eleksyon 2022: Gusto ko ng pagbabago hindi lang sa salita, kundi pati sa gawa

“Nakakainis kapag nasa labas ako may nag-uusap/nagbubulungan or may nagcomment sa mga social media handles ko na:

“’Diba Artista yan?’ Imbes na ‘diba artista sya?’

“GINAGAMIT kase yung ‘YAN’ sa bagay. At ang PANGHALIP na ‘SYA’ ay sa TAO.

“Taena ang dami na namang absent nung tinuro to. Hay Juskow. HAPPY SUNDAY sa mga MASISIPAG MAG-ARAL!!!!” ang pahayag ng Kapuso actress-singer.


Sa isa pa niyang FB status, ito ang nakasulat, “Sabi ng teacher ko ang mga salita na binuo mo sa isang parirala o pangungusap ay nag-iiba ang konteksto at kahulugan depende sa intonasyon at pagbaybay.

“Ang mensahe na nais mo iparating at sabihin ay magbibiyan  ng kahulugan sa paraan ng iyong pananalita o pagsulat.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Jessy sa mga tumatawag sa kanya ng laos: Medyo totoo naman din…

“Maraming Salamat sa mga nagcomment na may sense. Madami din akong natutuhan!

“Sana wag lang tayong masanay kay GOOGLE. Makinig din sa Klase, Mag take down ng notes. Hay ang sarap mag-aral.

“Pagdating ng Araw, magagamit nyo din yan lahat. At di nyo pagsisisihan na nakinig kayong mabuti sa Klase! Mahimbing na Gabi,” paalala pa ni Kakai Bautista.

Sa sumunod niyang post, parang may  pinatatamaan na siya sa kanyang mga hugot na pinaniniwalaang para sa mga netizens na nakakabastos na ang mga comments.


Hirit ni Kakai, “If we want to grow. Let’s not make being stupid a habit. It’s not funny.

“Many Ways to learn. You are so lucky that you have GOOGLE: You have SOCIAL MEDIA for HUNDREDS of CHANCES and OPPOTUNITIES to earn and be SOMEONE.

“Please use it WISELY.  Playing tanga-tangahan and bobo-bobohan to get attention is NEVER FUNNY,” sey pa niya.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon mula sa FB followers ni Kakai.

“Thank you Ms.Kakai sa napakaganda mong paalala para sa mga kabataang mag-aaral..sa panahon ngayon napakahirap nang maging isang guro.”

“Ang laki din kc ng naging impact sa tao nong panahon ng jejemon days yong mga usapang ewan. mga text na ewan wala sa ayos kahit ano nlang mabuo na salita maiba lng kaya ayon prang nawala na din sa ayos yong pagbabaybay ng iba yong mga panghalip na itinuro ng maayos sa paaralan dina din halos nagamit sa tamang patutungkulan o paggagamitan…. yan nman e pansin ko lng.”

“Isa pa pong dagdag kaalaman miss Kakai Bautista kapag ang salita ay nagtatapos sa a,e,i,o,u at w,y (o mga salitang diptonggo) ang ginagamit po ay “rin”….kapag po sa katanig nagtatapos ang salita saka po ginamit ang “din”. same rules sa paggamit ng raw o daw, dito o rito…. Godbless po.”

“Tama po maam Kakai Bautista. pwde din po magamit ang social media pra matutong kumita.. gaya ko po.. sa social media lng po ako natuto gumawa ng mga kakanin na pnagkkakitaan ko since 2020.”

“Since when have we become so strict with the use of Filipino grammar? Tsaka mali din nmn grammar mo.”

“Ayusin muna siguro ng mga Tagalog ang grammar nila para naman may wangisan kaming mga non-native Tagalog speakers. Bless your heart.”

“At least na-educate mo sila  Ms Kakai. Maraming bobo sa socmed . Maka-comment mali mali naman ang gamit ng mga salita.Natuto sila ngayon sa iyo.”

Read more...