Bwelta ni Jessy sa mga tumatawag sa kanya ng laos: Medyo totoo naman din... Bandera

Bwelta ni Jessy sa mga tumatawag sa kanya ng laos: Medyo totoo naman din…

Ervin Santiago |June 16,2021
share this

Bwelta ni Jessy sa mga tumatawag sa kanya ng laos: Medyo totoo naman din…

Ervin Santiago June 16,2021 - 08:48 AM

PAANO nga ba nagre-react ang misis ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola kapag sinasabihan siya ng masasakit na salita ng mga bashers sa social media?

Isa sa mga palaging sinasabi ng mga haters sa aktres ay laos na siya at wala nang career kaya tama lang daw na nagpakasal na lang siya kay Luis at bumuo na lang ng sariling pamilya.

Sa kanyang latest vlog sa YouTube, sinagot ni Jessy ang ilang “savage” questions mula sa mga netizens at ilang socmed followers at kabilang na nga rito ang tanong kung ano ang nararamdaman niya kapag sinasabihan siya ng laos.

“Hindi ko naman din nakikita ko ‘yung sarili ko as super sikat, ‘yung superstar or whatever.

“I don’t feel hurt or anything. In a way, medyo totoo naman din na hindi na rin talaga ako super active,” diretsahang sagot ni Jessy.

Alam daw ni Jessy na talagang maraming tao na ayaw sa kanya kaya walang ginawa ang mga ito kundi laitin siya at sabihan ng kung anu-anong masasakit na salita.

“Wala rin naman talaga ako magagawa. But I’m just really thankful na kumbaga na sa circulation pa ako ng showbiz,” depensa pa ng asawa ni Luis.

Nagsimula sa showbiz si Jessy noong 2004 pero matagal-tagal din ang pinaghintay niya bago siya nabigyan ng malaking break sa ABS-CBN.

Nagbida siya sa Kapamilya series na “Sabel” noong 2010 at sinundan pa ng Pinoy version ng Mexicanovela na “Maria Mercedes” noong 2013. 

Huling napanood ang aktres sa teleserye ng ABS-CBN na “Sandugo” na napanood noong 2019 kung saan nakasama rin niya sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Habang wala pang acting projects na ginagawa ngayon, pinagtutuunan ng pansin ni Jessy ang pagiging wifey ni Luis at ang pagbuo ng content para sa kanyang YouTube channel.

Samantala, sa isang bahagi ng kanyang pa-question-and-answer session, sinagot din ni Jessy ang komento ng isa niyang follower na parang feeling niya isa siya sa most “hated” celebrity sa local showbiz.

Dito niya nabanggit ang ilang issue at kontrobersya na hinarap niya lalo na noong aminin na nila ni Luis ang tungkol sa relasyon nila. Grabe raw talaga ang tinanggap niyang pamba-bash mula sa netizens.

“It’s because most people don’t really get out of their way to get to know me,” sabi ng aktres.

“Sinasabi nila na mas nakikilala nila ako through my vlogs,” sey pa niya kasabay ng pagsasabing marami na ring netizens ang nagkokomento na nabura na ang negative impressions ng mga ito tungkol sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending