Bonding ng ina ni Heart Evangelista kasama si Chiz Escudero viral

Bonding ng ina ni Heart kasama si Chiz viral; nakumpara sa ina ni Sarah G?

Pauline del Rosario |February 19,2024
facebook
share this

Bonding ng ina ni Heart kasama si Chiz viral; nakumpara sa ina ni Sarah G?

Pauline del Rosario - February 19, 2024 - 02:00 PM

Bonding ng ina ni Heart kasama si Chiz viral; nakumpara sa ina ni Sarah G?

PHOTO: Screengrab from Instagram/@ilove_lovemariee

“TIME heals all wounds!”

Ganyan ang inihayag ng fashion icon na si Heart Evangelista habang ibinandera ang masayang bonding ng ina na si Cecilia Ongpauco kasama ang kanyang mister na si Chiz Escudero.

Kung maaalala noong 2013, nagkaroon ng hidwaan ang fashion icon at ang kanyang mga magulang dahil sa relasyon niya kay Chiz na inilarawan noon ni mommy Cecilia bilang isang “manipulative opportunist.”

Pero ilang buwan matapos ang kasal ng mag-asawa noong 2015 ay nagkabati naman ang dating aktres at ang kanyang mga magulang.

Sa latest Instagram post, ibinahagi ni Heart ang isang video na makikitang magkatabi sa upuan si mommy Cecilia at Chiz habang nagtatawanan.

“A living testament that time heals all wounds [red heart emoji] What a lovely moment to see!” masayang post ng socialite.

Baka Bet Mo: Ina ni Heart naiyak sa renewal of vows nila ni Chiz: Finally I arrived!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by All About Love Marie❤️ (@ilove_lovemariee)

Sa comment section, makikita na maraming netizens ang natuwa na magkasundo na ang dalawa.

Narito ang mga nabasa namin:

“Pinatunayan talaga niya pagmamahal niya sa anak nila, kay Heart din na talagang nanindigan para sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay [happy face with heart emojis]”

“Ay grabe ito na naman iyakan na naman [emojis]”

“Happy to see them both okay”

“Wow okay na sila. God’s time is the best time!”

“Reconciliation! Very good example! [sparkling heart emoji]”

Hindi rin maiwasan na naalala pa ng ilang netizens ang mag-ina na sina Sarah Geronimo at Mommy Divine.

Kung matatandaan, nagkaroon din ng alitan sa pagitan ng singer at kanyang mga magulang mula nang magsagawa ng secret marriage sina Sarah at aktor na si Matteo Guidicelli noong 2020.

Mula niyan ay hindi na sumisipot sa mga show at concert ni Sarah ang kanyang mga magulang.

Heto ang mga hiling ng ilang fans para kay Sarah at Mommy Divine:

“Kailan kaya si Divine, nanay ni Sarah”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“How I wish mom ni Sarah G at Mateo would be like this someday”

“Sana ganyan din nanay ni Sarah G”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending