Jai Asuncion, Agassi Ching naghiwalay na: ‘Hanggang dito na lang’

Jai Asuncion, Agassi Ching naghiwalay na: ‘Hanggang dito na lang’

Pauline del Rosario |February 18,2024
facebook
share this

Jai Asuncion, Agassi Ching naghiwalay na: ‘Hanggang dito na lang’

Pauline del Rosario - February 18, 2024 - 01:06 PM

Jai Asuncion, Agassi Ching naghiwalay na: ‘Hanggang dito na lang’

PHOTO: Instagram/@agassiching

BUKOD sa mundo ng showbiz, may nagaganap na ring breakup sa mundo ng vlogging.

Inanunsyo ng famous vloggers na sina Jai Asuncion at Agassi Ching o mas kilala sa love team na “JaiGa” na tuluyan na silang naghiwalay makalipas ang limang taon.

Para sa mga hindi masyadong aware, kilala ang JaiGa sa kanilang pa-kilig videos.

Sa pamamagitan ng vlog, ibinandera nila sa publiko ang buong journey ng kanilang love story –simula sa kung paano sila nagkakilala, mga bonggang sorpresa at random dates.

Si Jai ang unang nag-post ng official breakup nila ni Agassi sa pamamagitan ng kanyang statement sa Instagram.

Baka Bet Mo: Carlos Agassi nagkadyowa dahil sa ‘dating app’: Nu’ng nakita ko siya, sabi ko, ‘Wow ang ganda niya!’

“We tried to work things out pero hanggang dito nalang po talaga. It was a wonderful almost 5 year relationship with Aga,” sey niya sa IG.

Nilinaw rin niya na tunay ang kanilang relasyon sa isa’t-isa at hindi ito “scripted.”

“I just want to make it clear that, for me, our relationship was never about clout. My love for Aga was genuine and not influenced by our careers,” wika niya.

Sinabi rin ng dalaga na hindi madali at hindi nila inaasahan na hahantong sa ganito ang kanilang pagsasama.

“I really tried my best for our relationship to work. This won’t be easy for me as well because I know in myself how much I love him but I guess God has a better plan for us, for me,” dagdag niya.

Sa bandang huli, nagpaabot ng pasasalamat si Jai sa lahat ng sumuporta sa kanila ng dating kasintahan.

“Sobra akong nagpapasalamat na hindi niyo kami iniwan kahit nagkaroon na ng problema. Your love for us are one of the reasons kung bakit kami nagpapatuloy sa mga ginagawa namin…Thank you for changing our lives,” mensahe niya sa JaiGa supporters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jai Asuncion (@jaiyieee)

Makalipas ang dalawang oras, nagsalita na rin si Agassi sa kanyang Instagram account.

Kagaya kay Jai, kinumpirma na rin niya na wala na sila ng kanyang partner.

“Gusto ko lang sabihin sa inyo na me and Jai aren’t together anymore. Pero gusto ko lang malaman niyo na everything we had was real,” caption niya sa post.

Patuloy niya, “‘Yung pinagsamahan at pagmamahal namin ni Jai ay totoo and that will always have a special place in my heart.”

“Gusto ko lang rin humingi ng pasensya sa lahat ng JaiGa Fam who supported us since the beginning, hanggang sa lumaki na ang pamilya natin, isa kayo sa naging source of strength and inspiration namin lalo na in times na nawawalan na ako ng pag-asa,” ani niya sa fans.

Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate Jai Agpangan nakatanggap ng indecent proposal, inalok ng P1-M, luxury car: Sabi ko, sure ka?

Mensahe naman niya para kay Jai, “Thank you for the best 4 years of my life. My time with you has been the BEST and you taught me a lot of things, made me a better man and made me believe that anything is possible.”

“Sorry sa lahat ng pagkukulang ko sayo, sorry sa mga pangakong hindi natupad. You are truly one of a kind and you deserve nothing but the best, and kahit anong mangyari, I’m always here to support you sa lahat ng future plans mo. Thank you, Jajai, for everything. Hanggang dito na lang,” aniya pa ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Agassi Ching (@agassiching)

Noong nakaraang taon nang mag-umpisa ang chikang hiwalay na sina Jai at Agassi.

Inamin ng dalawa na may pinagdadaanan sila, pero sinabi ng dating couple na susubukan pa rin nilang i-work out at ayusin ang kanilang relasyon.

Pero ayan na nga, mukhang hindi na talaga sila nagkasundo kaya opisyal na nilang tinuldukan ang kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending