Nadine ayaw umepal sa showbiz breakup: Di na ako kasali diyan

Nadine ayaw umepal sa showbiz breakup: Hindi na ako kasali diyan, OK na ‘ko

Ervin Santiago |February 12,2024
facebook
share this

Nadine ayaw umepal sa showbiz breakup: Hindi na ako kasali diyan, OK na ‘ko

Ervin Santiago - February 12, 2024 - 11:08 AM

Nadine ayaw umepal sa showbiz breakup: Hindi na ako kasali diyan, OK na 'ko

Christophe Bariou at Nadine Lustre

SUPER laugh ang actress-singer na si Nadine Lustre nang matanong tungkol sa sunud-sunod na hiwalayan sa mundo ng showbiz.

Muling nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Nadine sa ginanap na special screening at presscon ng digital series niyang “Roadkillers” mula sa Studio Viva at Viva Entertainment.

Ayon kay Nadine, matagal na raw siyang out sa listahan ng mga celebrities na naghiwalay nitong nagdaang taon hanggang sa pagpasok ng Bagong Taon.

“Okay na ako, guys. Hindi na ako kasali diyan. Okay na ako,” ang chika ni Nadine na ang tinutukoy nga ay ang ilang celebrity couples na nagkanya-kanya na ng landas.

Baka Bet Mo: John Arcilla super laugh sa tweet ng netizen tungkol sa mga karakter nila ni Janice de Belen sa ‘Dirty Linen’

Sa isang hiwalay na panayam, naniniwala si Nadine na wala talagang permanente sa mundo at lahat ng bagay ay may katapusan.

“I guess just because I’ve been out of that situation for a while na, I do understand that a lot of things change over time.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine)


“Hindi naman puwede forever ‘yung mga bagay,” aniya pa.

In fairness, super happy na si Nadine sa piling ng kanyang non-showbiz at French boyfriend na si Christophe Bariou. Ilang taon na ring tumatakbo ang kanilang relasyon ngayon.

Nagpapasalamat din ang dalaga sa kanyang partner dahil all-out pa rin ang support nito sa kanyang showbiz career.

“Natatawa siya kapag pinapanood niya ako kasi kapag nakikita niya ako sa screen feeling niya ibang tao ako.

“But of course he’s proud of me kahit ‘yung ‘Deleter’, nu’ng pinanood niya sa sinehan parang hindi niya ma-imagine na ako ‘yun, iba daw kasi ako kapag nagwo-work feeling niya ibang tao ako.

Baka Bet Mo: Kilalang aktres biglang hiniwalayan ang dyowa para sagutin ang manliligaw na male celeb

“But he’s really very proud of the project kasi some of the shoots andon siya e’, nakita niya and nakikita niya talaga kung gaano ka hirap ang shoot namin,” sabi pa ng premyadong aktres.

Magiging busy daw sila pareho ni Christophe sa darating na Valentine’s Day dahil sa kani-kanilang mga trabaho.

Sey pa ni Nadine, simple lang daw ang magiging celebration nila sa Araw ng mga Puso pero babawi sila sa pinaplano nilang bakasyon.

“Simple lang kasi pagod kami pareho the day before so, simple lang. But I have a vacation before I start grinding at the end of the month.

“Kasi medyo marami akong gagawin this Feb eh so, magbabakasyon lang ako for a bit then sabak na ulit,” lahad ni Nadine.

Samantala, mapapanood na simula sa March 1 ang four-part suspense-action thriller series na “Roadkillers” sa VivaOne app.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin dito sina Bodjie Pascua, Francis Magundayao, Alan Paule at marami pang iba. Ito’y mula sa direksyon ni Rae Red.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending