Pelikula nina Bong, Coco, Robin at Lito pinaghahandaan na para sa MMFF 2024

Pelikula nina Bong, Coco, Robin at Lito pinaghahandaan na para sa MMFF 2024

Bong Revilla, Lito Lapid, Robin Padilla at Coco Martin

SINIGURO ni Sen. Bong Revilla na mas marami pang pasabog na mapapanood sa mga next episode ng “Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis Season 2“.

Super thankful at feeling grateful si Sen. Bong sa resulta ng pilot episode ng kanilang weekly action-comedy series sa GMA 7 last Sunday, February 4.

Magaganda rin ang naging feedback at comments ng mga televiewers sa pagbabalik ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ngayong 2024 kung saan kasama pa rin niya si Beauty Gonzalez bilang leading lady.

Ang promise nga ng actor-public servant, sa bawat episode ay talagang matutuwa, matatawa at mamamangha ang mga Kapuso sa mga pinaghandaan at pinaghirapan nilang mga eksena.

Baka Bet Mo: Herlene naloka sa pagbeso ni Beauty: Akala ko mababahuan siya sa hininga ko

Pero ayon kay Sen. Bong, baka raw ito na muna ang programa niya sa GMA para sa 2024 dahil nakatakda nga siyang gumawa ng mga pelikula.

Bukod sa pinaplanong movie niya with Jillian Ward at sa reunion project nila ni Megastar Sharon Cuneta, balitang sasali uli siya sa Metro Manila Film Festival 2024.

Pina-finalize na ngayon ang napakalaking pelikulang pagsasamahan nila nina Coco Martin, Sen. Robin Padilla at Sen. Lito Lapid na posibleng maging entry nila sa MMFF this year.

“Pinag-uusapan pa lang namin nu’ng maraming… basta, hintayin na lang natin, mahirap mag-ano. Basta hintayin na lang natin. Baka mamaya, ma-preempt or hindi matuloy, di ba?” sey ni Sen. Bong.


“Basta, sisiguraduhin natin, yung mapapanood nila ay worth it,” aniya pa kasabay ng pagkumpirma na Imus Productions ng Revilla family ang  magpo-produce ng naturang proyekto

Baka Bet Mo: Bong inatake ng nerbiyos dahil kina Beauty at Max, kinarir ang pagpapa-yummy: ‘Alam kong magaganda at sexy sila kaya nagpakundisyon din ako’

“Kasi di ba, yung pelikula, binubuhay din natin. Kaya yun ang pinagtutulung-tulungan natin, kung paano tayo makakatulong in our own little way.

“Like ito nga, I’m producing a movie again, pantulong naman (sa mga taga-industriya ng pelikulang Pilipino),” aniya pa.

Tungkol naman sa politika, dinenay ni Bong na may balak siyang tumakbo sa higher position sa next Presidential elections.

Tatakbo raw siya uli bilang re-electionist next year pero wala siyang plano na kumandidato sa mas mataas na posisyon, “Ayoko na, may phobia na ‘ko diyan! Ha-hahaha! Yan ang dahilan (kung bakit siya nakulong).

Read more...