BOTONG-BOTO ang nanay ni James Reid na si Marcela MacDonald sa girlfriend ng kanyang anak na si Issa Pressman.
Nakachikahan namin sandali ang mommy ni James sa naganap na Celebrity Red Carpet Premiere ng Hollywood movie ni Liza Soberano na “Lisa Frankenstein.”
Sinuportahan siyempre ni James ang kanyang talent sa Careless Management sa first international project nito kung saan kasama nga niya ang ina at dyowang si Issa.
Naganap ang special advance screening ng “Lisa Frankenstein” sa SM Aura Cinema 1 at doon nga namin nakausap ng ilang minuto ang mommy ni James.
Baka Bet Mo: Pamilya ni Julia botong-boto kay Gerald; tinukso sa ‘family photo’ kasama si Scarlet Snow
Ayon kay Mrs. Marcela, super proud siya sa lahat ng achievements ng kanyang anak na hindi lang aktor at singer ngayon kundi isa na ring record producer at may-ari na ng isang talent management.
Pero sabi ng ginang, never daw siyang nakialam sa personal life ni James, lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon. “Sa kanyang buhay yan, not mine,” aniya.
Nang tanungin naman siya tungkol sa girlfriend ng binata na si Issa, “Mabait siya,” sabay bigay ng dalawang thumbs up sign.
May nagsabi naman na parang botong-boto siya kay Issa, ang mabilis na reaksyon ni Mrs. Marcela ay, “Yes po!”
Aniya pa, hindi raw nagbago ang kanyang anak kahit pa naging karelasyon niya ang sisteraka bi Yassi Pressman at ikinatutuwa raw niya yun dahil napanatili pa rin ni James ang kanyang mga dating katangian.
“Siya pa rin ‘yun. James is James. Happy ako sa kanya. Whatever his decision, happy ako para sa kanya,” sabi ng nanay ng aktor at singer.
Baka Bet Mo: Kim, Bela botong-boto sa BF ni Angelica: This man is #AngBeKi approved per DTI NCR number…!
Sa panayam namin kay Issa, kinumusta naman namin ang relasyon nila ni James, “We’re good. Smooth and steady.”
Ilan daw sa mga bonding moments nila ay ang pagwo-workout at morning walks. Pareho rin daw silang mahilig sa music and arts. Nagkakasundo rin daw sila sa maraming bagay.
Pinuri rin niya si James bilang isang “good partner” dahil napatunayan niya kung hanggang saan siya kayang ipagtanggol ng actor-singer at record producer.
“Ang galing niya mag-support. I don’t think I’d be able to get through all of these if not for him, the support, security that he’s able to give.
“Not everyone knows but he’s very, very wise. The words that he gives to me are fulfilling. You feel secure, you feel safe,” sey pa niya about James.