Kim, Bela botong-boto sa BF ni Angelica: This man is #AngBeKi approved per DTI NCR number...! | Bandera

Kim, Bela botong-boto sa BF ni Angelica: This man is #AngBeKi approved per DTI NCR number…!

Ervin Santiago |September 08,2021
facebook
share this

Kim, Bela botong-boto sa BF ni Angelica: This man is #AngBeKi approved per DTI NCR number…!

Ervin Santiago - September 08, 2021 - 11:48 AM

Gregg Homan, Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu

BOTONG-BOTO sina Bela Padilla at Kim Chiu at Bela Padilla sa current boyfriend ng kanilang BFF na si Angelica Panganiban. 

Aprubado sa dalawang aktres ang relasyon ni Angelica sa non-showbiz boyfriend nitong si Gregg Homan. Feeling nina Kim at Bela, natagpuan na nga ng dalaga ang kanyang “the one.”

Kahapon, Sept. 7, nagbahagi ng kanyang birthday message ang Kapamilya actress para kay Gregg sa kanyang Instagram account kalakip ang litrato nila na magkasama.

Sey ni Angelica, “Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit tinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nagbigay kasagutan sa lahat ng bakit ko noon.

“Maligayang bati sa ’yong kaarawan mahal ko. Araw araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin.”

Kasunod nito, ibinandera rin nina Kim at Bela sa kani-kanilang Instagram Story ang kanilang pagbati sa lalaking nagpapaligaya ngayon sa kanilang bestfriend. Aprub na aprub din sila sa relasyon ng magdyowa.

Ayon kay Kim, super happy siya sa pagdating ni Gregg sa buhay ni Angelica at ramdam na ramdam daw niya ang kaligayahan ngayon ng dalaga.

Nag-post siya sa IG Story ng litrato nina Angelica at Gregg, at ng isang photo ng magkasintahan kung saan kasama nga sila ni Bela.

“Happy birthday sa nagpatibok ng puso ng aming momsie @iamangelicap ng todo todo! Miss ka namin ang luto mo and englishan natin greg!!

“Huwow! Kala mo naman matagal nagsama! Ahhaha happy birthday @gregg_homan thanks for making our mosie happy!!!! (heart emojis). And of course for being so mega nice! Love #AngBeKi,” mensahe ni Kim na ang tinutukoy sa kanyang hashtag ay ang abbreviation ng kanilang mga pangalan.

Sa kanyang IG account naman, ni-repost ni Bela ang mensahe ni Angelica at nilagyan ng caption na, “This man is #AngBeKi approved per DTI NCR number… char!”

Ibinalita ni Angelica sa pagsisimula pa lamang ng 2021 na may nagpapaligaya na sa kanyang puso at pagdating ng February, kinumpirma nga niya ang relasyon sa isang non-showbiz guy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last July, nag-post si Angelica ng ilang litrato nila ni Greg bilang pagdiriwang ng first anniversary nila ni Gregg.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending