Promise ni Juday kay Deo: Kung ano’ng legacy na iniwan mo, itutuloy namin

Promise ni Juday kay Deo: Kung ano'ng legacy na iniwan mo, itutuloy namin

Loisa Andalio, Deo Endrinal at Judy Ann Santos

MAY binitiwang pangako ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos sa namayapang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal.

Isa si Juday sa mga celebrities na nagbigay ng eulogy pagkatapos ng naganap na Holy Mass sa Chapel of Annunciation sa loob ng ABS-CBN compound last Thursday, February 10.

Todo ang pasasalamat ng award-winning actress kay Deo na una raw niyang nakilala nang gawin niya sa ABS-CBN ang makasaysayang teleserye nila ni Gladys Reyes na “Mara Clara”.

“Don’t worry kung ano ang legacy na iniwan mo ay itutuloy namin ‘yan. At the same time salamat kasi napabilang ako sa grupo ng mga taong mahal na mahal mo,” ang bahagi ng mensahe ni Judy Ann kay Deo.

Baka Bet Mo: Angel nagparamdam sa burol ni Deo Endrinal, tanong ng netizens: Saan ka?

Inilarawan din niya ang ABS-CBN executive bilang mapagmahal na boss at talagang alam na alam daw nito kung paano alagaan ang kanyang mga talents at empleyado.

Huli raw silang nagkausap ni Deo bago matapos ang 2023 kung saan isa sa naging topic nila ay ang upcoming project niya sa Dreamscape Entertainment na “Bagman.”


Samantala, inalala naman ng isa pang Star Magic artist na si Loisa Andalio ang kabaitan ni Deo Endrinal lalo na noong ginagawa niya ang una niyang project sa Dreamscape na “Wansapanataym.”

“Sobrang thankful ako kay Sir Deo. Siya ang nagbansag sa akin ng ‘Wansa Queen,’ tapos pinagkatiwalaan niya na ako sa mga seryosong character.

Baka Bet Mo: Andrea emosyonal sa burol ni Deo Endrinal, may binitiwang pangako

“Binansagan niya na akong dramatic actress. Kaya utang ko kay Sir Deo talaga lahat, bakit nandito pa rin ako hanggang ngayon. An, masaya ako na at least nakakapag-rest na siya,” pahayag ng girlfriend ni Ronnie Alonte.

Patuloy pa niya, “Ang bagay na hindi ko makakalimutan kay Sir Deo ay kung paano siya magtiwala sa akin, ‘yung alam niyang kaya kong gawin ‘yung akala ko ay hindi ko kaya.

“Mas nakikita niya sa akin. Babaunin ko naman ‘yon habambuhay,” sey pa ni Loisa nang mahingan ng message para kay Sir Deo.

Ang iba pang dumalaw sa lamay ni Deo ay sina Coco Martin, Julia Montes, Vice Ganda, Kim Chiu, Paulo Avelino, Vhong Navarro,  Amy Perez, Sylvia Sanchez, Smokey Manaloto, Robi Domingo Sunshine Dizon, Joseph Marco, Tessie Tomas, John Arcilla, Jake Ejercito, Angel Aquino, Baron Geisler at marami pang iba.

Read more...