PAANO nga ba nagetsing ng veteran actress na si Ruby Ruiz ang napakagandang role niya sa Prime Video series na “Expats“?
Ang naturang digital series ay pinagbibidahan ng Hollywood star na si Nicole Kidman na gumaganap na amo ni Ruby bilang Pinay yaya.
Sa panayam ng BANDERA sa beteranang aktres kasama ang ilang piling members ng showbiz press, naikuwento niya kung paano siya nakuha sa “Expats.”
“It was Shanelle Ka Torre who informed her about the audition. Shanelle is an independent actress from GMA.
Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Ruby Ruiz: ‘Echosera din itong si Nicole Kidman!’
“Nagkatrabaho kami and I told her irerekomenda kita sa mga makakatrabaho kong directors. Ang husay niyang umarte.
“Nagpa-audition siya sa ‘Expats.’ Nakadalawang call back siya. But she got frustrated. Tinanong niya yung casting director, ‘What are you looking for? Am I not good enough?’
“Sabi naman sa kanya, ‘It’s not that you’re not good enough but we’re looking for someone older.’ How old is older? Sabi mga 50s or 60s.
“Sabi niya, ‘Oh, i know someone. Her name is Ruby Ruiz.’ Sabi nila, ‘Can we get in touch with her?’ Hiningi yung email. I told Shanelle, ‘Hindi naman ako nakukuha sa ganyan. Lagi lang shortlisted.’
“Besides may serye naman ako baka hindi puwede. But they were really persistent. So I tried. And I’m grateful na nakapasok ako,” pahayag ni Ruby.
Pagpapatuloy pa niya, “Bago kami pumasok ng Hong Kong dapat quarantine muna sa ibang bansa. Yung quarantine ko for 21 days was spent in Maldives.
“Doon pa lang pinadala ang script. Noong nabasa ko na, ang crucial pala ng role ng nanny. Kinilabutan talaga ako while reading the script!” kuwento pa ng aktres na napapanood ngayon sa “Linlang: The Teleserye Version” nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Baka Bet Mo: Hirit ni Joey kay Ruby: Marunong pa kaya siyang mag-Tagalog? Kilala pa kaya niya tayo?
Paglalarawan naman niya sa Hollywood superstar, “Napakabait niya. Natural na tao. Bakla rin siya. She’s very considerate at mararamdaman mo yun. She will try to make you feel at ease. Marami akong anecdotes during first day of shoot.
“Dati pinagtabi yung working chair namin. Ayoko umupo roon. Kais nosebleed pero doon talaga ako pinaupo siguro to establish rapport.
“She’s conscious of that. She would strike up some small conversations to make you feel relaxed. Sabi ko nga noon, ‘What? Pardon?’ Her accent is very Australian.
“But she’s very friendly and warm. On the set, naka-standby lang kami. Kapag nakita na niya ako, yayakapin na niya ako. ‘Oh, Ruby’s here!’ Naaaliw siya sa akin hindi ko alam kung bakit?’
“One time tinanong niya ako, ‘What did you do yesterday? It was our free day.’ Parang nabigla ako. Hindi ako prepared. Baka may itanong siya sa akin about the Philippines. So what did you do yesterday?
“Sabi ko, ‘Ah, I did my laundry.’ Sabi niya, ‘The whole day?’ Sabi ko, ‘Oh yes, I was fascinated by your washing machine here. With one click, it’s already dry.’ So natutuwa siya sa akin sa mga ganu’ng moment,” aniya pa.
Samantala, inamin din ni Ruby na nami-miss din niya ang buong production ng “Expats”, lalung-lalo na si Nicole. Nagbigay din siya ng pahayag tungkol sa working atmosphere sa Pilipinas at sa ibang bansa.
“Hindi mo naman puwedeng hanapin sa atin yung mga nangyari sa akin sa Expats. Alam ko naman yung ibang kalakaran dito. Masaya rin ako rito kasi kasundo ko rin naman sila. Naging close kami roon.
“Bago ka lumabas ng trailer mo, dapat may coat ka ayaw nilang malalamigan ka. Sabi ko, ‘Hindi naman ako ganu’n katanda.’ Iba rin yung tsinelas mo papunta sa studio kasi baka madulas ako.
“Tapos iba rin gagamitin mo indoors. Maingat sila sa akin especially aware sila na hindi ako cut-out sa weather na nila.
“Minsan nakasabay ko si Nicole at napansin niya na iika-ika ako. Sumakit yung lower back ko. Sabi niya, ‘Hey Ruby.’ Ni-report na niya agad sa team.
“Magkakandarapa na sila noon kung saan kadadalhin na clinic. Napaka-caring nila sa lahat. Para sa kanila, dapat umandar ang production na walang problem,” lahad pa ni Ruby.