KC pwede nang magpabuntis sa NBA player o kay Paulo Avelino
ATAT na atat na si Sharon Cuneta na magkaroon ng apo kay KC Concepcion. Gustung-gusto na talaga niyang mag-asawa ang anak, feeling kasi ni Mega, nasa tamang edad na ang aktres para magkaroon ng sariling pamilya.
“Anytime! Dyusko, kung meron lang ‘yang boyfriend, pipilitin ko ‘yan. ‘Anak, penge ng apo. Mag-asawa ka na!” ang natatawang chika ni Mega sa set ng The Mega and The Songwriter ng TV5.
Ready na raw si Sharon na makarga ang kanyang magiging apo kay KC, gusto nga raw niya ngayon na para hindi malayo ang agwat nila ng bata, “Yeah, I’ve been ready for a long time. She’s the one that’s not. Coz I like babies. I can’t wait!
“I had a baby early. It has its pluses and minuses. But one of the pluses is getting to grow up with your kid. I was nineteen when I had her. Para di masyadong malayo yung generation gap.And now, I think it’s cool to be a lola before you hit 60!” humahalakhak pang sey ng Megastar.
In fairness, updated naman daw si Shawie sa lovelife ng anak, alam din niya ang mga detalye sa naging date ni KC sa NBA player na si Chandler Parsons, “Oo, nakukuwento niya.” Knows din niya ang issue tungkol kina KC at Paulo Avelino na balitang nagde-date rin ngayon.
Pero sey nga ni Mega, mukhang hindi naman nagmamadali ang anak na magkaroon ng seryosong relasyon, “She’s just enjoying this time of her life. She’s not aiming for a commitment with anybody soon, because I think she has learned. I don’t think she’ll want a complicated set-up in a relationship.
“I don’t know what she’ll decide to do. Whatever it is, I’ll support her. Ultimately, you just want your kids to be happy in the right way. Pero wag naman sa adik. At saka sana papakainin siya. Hindi naman kailangan mayaman na mayaman, pero responsible, yung aalagaan lang siya,” pahabol pa ni Mega.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.