Road closures, alternatibong ruta sa QC simula Feb. 8 – 11

ALAMIN: Mga saradong kalsada, alternatibong ruta sa QC simula Feb. 8 – 11

Pauline del Rosario - February 08, 2024 - 01:21 PM

Balita featured image

ABISO sa mga motorista na dadaan sa Quezon City!

Ilang kalsada ang isinara simula ngayong araw, February 8 hanggang sa Linggo, February 11.

Ayon sa anunsyo ng city government, ito ay para magbigay-daan para sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Narito ang listahan ng road closures simula 9:00 p.m. ng Febry 8 hanggang 12 noon ng Februaty 11:

Baka Bet Mo: Kapalaran 2024 sa Year of the Wood Dragon: HAVEY o WALEY!?

  • Banawe corner Sta. Rosa Street

  • Makaturing Street corner Biak na Bato

  • Sta. Rosa Street corner Biak na Bato

  • G. Roxas Street corner Biak na Bato

  • Del Monte Avenue corner Biak na Bato

  • Linaw Street corner Biak na Bato

  • Banawe corner Sta. Catalina Street

  • Linaw Street corner Matutum Street

  • G. Roxas Street corner Matutum Street

 

Mananatiling sarado naman ang Del Monte Avenue corner Biak na Bato hanggang Del Monte Avenue corner Cordillera Street mula February 8 to 10.

“Ipapatupad din ang traffic re-routing para sa mga motoristang maapektuhan ng pagsasara ng naturang mga kalsada at may inilaan na parking areas para sa mga lalahok sa pagdiriwang,” saad sa abiso ng lokal na pamahalaan ng QC.

Dagdag pa, “Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending