Pagso-sorry ni Bea kay Dominic fake news; hinamong gayahin ang KathNiel

Pagso-sorry ni Bea kay Dominic fake news; hinamong gayahin ang KathNiel

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla; Bea Alonzo at Dominic Roque

KALAT na kalat ngayon sa social media ang artcard kung saan nakabalandra ang litrato ni Bea Alonzo kalakip ang kanyang “mensahe” para kay Dominic Roque.

Pero wait lang mga ka-Marites namin all over the universe! Halatang fake news naman ang naturang statement ng Kapuso actress na pinagpipiyestahan ngayon sa Facebook at Instagram.

Unang-una, hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Bea tungkol sa hiwalayan nila Dominic at wala pa rin siyang anumang interview hinggil dito.


Kaya maliwanag na maliwanag na imbento at fake news ang naturang balita na unang lumabas sa fake  Instagram account na nakapangalan kay Bea Alonzo. Narito ang nakasaad sa pekeng balita.

Baka Bet Mo: Sarah never binastos ang mga magulang ni Richard: ‘Beware of fake news!’

“I’m really sorry Dom, na-realize ko hindi pala ako ready.

“I’m sorry kung may prenuptial agreement tayo. Alam ko medyo na-off ka du’n, I’m just protecting kung anu-ano yung mga pinaghirapan ko.

“You will always have a special place in my heart, where memories and feelings for you will stay forever.

“I’ll pray na mahanap mo yung talagang para sa yo. Hindi ko lang talaga makita yung sarili ko na masaya at tatanda kasama ka.

“Sana maging masaya ka kahit hindi na ako. Salamat sa lahat.”


Samantala, suggestion naman ng mga fans nina Bea at Dominic, dapat daw ay magsalita na sila ngayon para matigil na ang mga ispekulasyon at pagkalat ng mga fake news.

Baka Bet Mo: Toni Fowler tatanggalin nga ba sa ‘Batang Quiapo’ dahil sa kontrobersyal na music video?

Gayahin daw nila ang mga nagkahiwalay na mga magdyowang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Kim Chiu at Xian Lim na nagdesisyong maglabas ng official statement about the real status of their relationship.

May nagsabi pang kahit daw si Dominic na lang ang magsalita o mag-post sa social media kung ano ba talaga ang totoo dahil siya naman daw ang lalaki.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ng celebrity couple pero ang feeling ng marami, ito’y may kinalaman sa pera at ang nabuking ni Bea na sikreto ni Dom.

Read more...