HINDI napigilan ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang maging emosyonal nang mapag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.
Nabanggit kasi ng aktres at fashion icon na handang-handa na raw siya uli siyang mabuntis ngayon at maging isang ina.
Sa isang event kung saan nakasama niya ang award-winning TV host na si Boy Abunda, sumalang si Heart sa special fast talk segment.
Natanong ni Tito Boy kung sino ang bibigyan niya ng bonggang-bonggang party if ever, sagot ni Heart, “If I had a baby.”
Baka Bet Mo: Kim Molina naiyak nang makita at mahalikan si Regine: Pasensya na po, hindi na naman napigilan ang ate fangirl n’yo!
Dito na nga nagsimulang lumuha ang wifey ni Sen. Chiz Escudero at sinabing feeling niya, this is the perfect time na magkaroon na sila ng sariling baby ni Chiz.
“It’s so hard when you question yourself of all these things but when I look back at my life, you know, with the people, and the experiences I had, all the hardships of being alone, it makes sense now,” ani Heart.
“And I feel like if there’s any moment that I should be blessed with a baby, it should be now because I feel like I’m ready as a person.
“And I will be able to give more because I’ll be able to tell her more and share more wisdom,” paliwanag ng Kapuso star.
Kung matatandaan, taong 2018 nang ibalita ni Heart na nalaglag ang dapat sanay kambal na anak nila ni Chiz.
Inamin niya na talagang gumuho ang kanyang mundo nang malamang nakunan siya habang ipinagbubuntis ang unang baby nila ng senador.
Samantala, nagpasalamat naman ang aktres sa kanyang mga stepchildren na sina Chesi at Quino, anak ni Chiz sa unang karelasyon.
“I didn’t give them the gift of life but they gave me, you know, the feeling of really what love is and they really accepted me,” mensahe ni Heart.
Taong 2015 nang ikasal sina Heart at Chiz at ngayong darating na February 14 kasabay ng kanyang birthday ay magkakaroon sila ni Chiz ng renewal of vows.