Enrique hindi makakasama si Liza sa Valentine’s Day, sino ang makaka-date?

Enrique hindi makakasama si Liza sa Valentine's Day, sino ang makaka-date?

Enrique Gil at Liza Soberano

HINDI maise-celebrate ng celebrity couple na sina Enrique Gil at Liza Soberano na magkasama ang Valentine’s Day.

Nauna nang ipinaalam ni Enrique sa madlang pipol ang mga plano niya sa darating na February 14, Araw ng mga Puso.

Ayon sa Kapamilya actor, ang makakasama at makaka-date niya sa Valentine’s Day ay ang kanyang nanay dahil wala nga sa Pilipinas si Liza.


Magiging busy na raw kasi ang dalaga sa promo ng kanyang kauna-unahang Hollywood movie, ang “Lisa Frankenstein.”

Baka Bet Mo: Daniel Padilla bibida sa tatlong pelikula, makakasama sina John Arcilla, Zanjoe Marudo, at Kathryn Bernardo

Sakto rin daw kasi na magaganap sa Araw ng mga Puso ang premiere night ng pinag-uusapang bagong pelikula ni Enrique, ang “I Am Not Big Bird”.

“Hopefully if (Liza) gets back on time she said she would go and support me,” ani Quen sa panayam sa kanya ng press people.

Nakakatuwa nga raw dahil nagtutulungan sila ngayon ni Liza sa pagpo-promote ng kani-kanilang pelikula kaya sana raw ay parehong maging successful sa takilya ang mga solo projects nila.

“Actually I shot a small video for Lisa Frankenstein’s promo and she also helped with, if you saw the trailer, (there is) ‘Hello Big Bird! From Liza Soberano,'” chika ni Enrique.

Nauna rito, kinumpirma rin ng aktor na sila pa rin ni Liza at walang nangyaring hiwalayan sa pagitan nila tulad ng mga naglabasang chika last year.

“Yeah we’re happy, we’re just really busy. I think we just realized na in life we shouldn’t always be just centered around each other.

“We can do more, grow more, doing our own paths, we can achieve more and then it just makes us better,” ani Quen.

Samantala, ang “I Am Not Big Bird” ang magsisilbing comeback movie niya after four years.


“Medyo nanibago ako. I don’t know, it was weird. Parang you still remember it, how to do it. ‘Yung timing.

Baka Bet Mo: Ruru kay Bianca: Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko kapag napapagod na ako at nawawalan ng pag-asa…

“Okay naman, very supportive sila. It felt good, the environment, the setting,” sey ni Enrique sa panayam ng ABS-CBN.

Paglalarawan niya sa bago niyang movie, “I just want a film to relax and have a good time, and just do this. Just an ode to the early 2000s and ’90s comedies na talagang na-miss ko.

“‘Yan ang nakaka-miss sa ’90s comedies. We wanted to bring it back. We wanted to deliver it.

“The cast, I wouldn’t have it any other way. I’m super thankful and I’m super happy,” pahayag pa ng aktor.

Read more...