SUPER flex ang magdyowang Klea Pineda at Katrice Kierulf sa social media ng kanilang 2nd anniversary nitong nagdaang Linggo, February 4.
Yes, yes, yes mga ka-Marites! Two years na ang relasyon ng Kapuso actress at ng girlfriend niyang si Katrice at proud na proud nga nilang ibinandera ito sa buong universe.
Sa kanyang Instagram, nag-post si Klea ng anniversary message para kay Katrice. Aniya, hindi lang daw partner ang natagpuan niya sa dalaga kundi isang best friend at soulmate.
Siniguro rin ng Kapuso star na pang-forever na raw ang kanilang pagmamahalan.
Mensage ni Klea kay Katrice, “A lovely night indeed!
“How lucky I am? I found my best friend and soulmate in one. Words can’t describe how excited I am to experience life with you. This is just the beginning!
“Happy 2nd anniversary to us, hon!
“Our love is a forever kind of love (heart emoji),” sey pa ng aktres.
Nag-comment naman si Katrice sa sweet post ni Klea, “1 week long celeb!
(laughing emoji). To many many more years with you, my love! You’re my forever date! (heart emoji).”
Nag-share rin si Katrice ng kanilang photo ni Klea sa Instagram na may caption na, “I am just so lucky to be loved by you. You are and will always be my person, my best friend, my home.
Baka Bet Mo: Jak Roberto sa pakikipag-date kay Klea Pineda: ‘Ikaw ha, baka pinag-eksperimentuhan mo lang ako’
“Happy 2nd Anniversary, hon! I love you soooo much!” dugtong na mensahe ni Katrice para sa kanyang partner.
Narito naman ang magkakasunod na komento ni Klea sa IG post ni Katrice.
“Better late than never! Happy 2nd Anniversary to us, hon,” aniya na sinundan pa ng, “love you, my love” at “Too lucky.”
March 19, 2023 nang mag-celebrate ng kanyang 24th birthday si Klea at noong araw ding yun nang inamin niya sa publiko na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community.
Sa guesting naman niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong March 20, 2023 ay ipinakilala niya on national TV ang girlfriend na si Katrice.