Pops wala pa ring dyowa pero may ka-date tuwing Valentine's Day

Pops wala pa ring dyowa pero may ka-date tuwing Valentine’s Day, sino kaya?

Ervin Santiago |January 15,2024
facebook
share this

Pops wala pa ring dyowa pero may ka-date tuwing Valentine’s Day, sino kaya?

Ervin Santiago - January 15, 2024 - 07:05 AM

Pops wala pa ring dyowa pero may ka-date tuwing Valentine's Day, sino kaya?

Pops Fernandez

KAHIT wala pa ring dyowa until now, may nakaka-date pa rin daw si Pops Fernandez tuwing sasapit ang Valentine’s Day.

Ayon sa Original Concert Queen, tuwing February 14 ang mga girl friends niya kanyang kasama para mag-celebrate ng Araw ng mga Puso every year.

Sa nakaraang presscon ni Pipay para sa kanyang anniversary concert na “Always Loved”, ay natanong siya kung ano ang gagawin niya sa February 14.

“Normally, this is true, ha, on Valentine’s Day, I have a group of girl friends and lahat kami, single.

Baka Bet Mo: Liza Soberano nagugulat sa tuwing tinatawag na ‘Hope’ in public, bet pa ring matawag sa kanyang screen name

“So, we usually spend Valentine’s together. Meron na kaming pact na habang single kami, or maski meron nang lovelife, kami-kami pa rin ang magse-celebrate ng Feb. 14,” chika ni Pops.

Pero hindi pa rin naman daw niya tuluyang ipina-padlock ang puso para sa bagong pag-ibig. Gusto pa rin niyang may makasama sa kanyang pagtanda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pops Fernandez (@popsfernandezofficial)


“Dati kasi, when I was much younger, siyempre, ‘yung maiinip ka, ‘yung naghahanap ka, you go out of your way. Ang ano ko ngayon is, ang belief ko ngayon is ‘when the right time comes, he will come.’

Baka Bet Mo: #Rebelasyon: Piolo, Aga parehong naging ‘jowa’ ni Pops

“Hindi na dapat siya hinihintay. Darating na lang ‘yan if there is really someone who’s meant for me,” katwiran ni Pops.

“Kasi, hindi naman ako sad, hindi naman ako lonely. As a matter of fact, I’m happy. So, kapag nangyari ‘yan, ano na lang ‘yan, bonus na lang ‘yan sa life ko.

“And hopefully nga, that person will be somebody who I will grow old with. ‘Yung hindi pilit, ‘di ba? ‘Yung bagay na bagay kami, nagkakaintindihan kami at magta-travel na lang kami, enjoying life together,” dagdag pang sey ng OPM icon.

Samantala, after 12 years ay magbabalik nga sa concert stage ang OG Concert Queen bilang bahagi ng kanyang 40th anniversary sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami raw magiging surprise guests si Pops sa kanyang “Always Loved” concert na magaganap na sa February 9 and 10 sa The Theater at Solaire. Pero ang pwede pa lang niyang banggitin ay sina Martin Nievera at Gary Valenciano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending