#Rebelasyon: Piolo, Aga parehong naging 'jowa' ni Pops | Bandera

#Rebelasyon: Piolo, Aga parehong naging ‘jowa’ ni Pops

Ervin Santiago |December 02,2021
facebook
share this

#Rebelasyon: Piolo, Aga parehong naging ‘jowa’ ni Pops

Ervin Santiago - December 02, 2021 - 04:28 PM

Piolo Pascual, Pops Fernandez at Aga Muhlach

DIRETSAHAN nang inamin ng original Concert Queen na si Pops Fernandez na naging dyowa nga niya sina Piolo Pascual at Aga Muhlach.

Actually, noon pa naman may mga chika na naging karelasyon ng singer-actress at producer ang dalawang aktor pero never nila itong inamin sa publiko.

Ngunit hindi na nga nakatakas at nakaiwas si Pipay na sagutin ang nasabing issue nang sumabak siya sa “Jojowain, Totropahin, Dededmahin o Dadakmain Challenge.”

Game na game na sinagot ni Pops ang mga tanong sa bago niyang YouTube vlog na in-upload kahapon, Dec. 1. Nakasama niya sa video ang kanyang kaibigang si Joy Ortega pati na ang magkapatid na sina Lara Melissa de Leon at Toni Abad.

Ilan sa mga pangalang nabanggit sa “Jojowain, Totropahin, Dededmahin o Dadakmain Challenge” ay sina Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Gabby Concepcion at Coco Martin.

Nakasama rin sa choices sina Derek Ramsay, Dennis Trillo, Luis Manzano, Xian Lim, Piolo at Aga.

Nang sabihin na ang pangalan ni Piolo, biglang nag-dialogue ang kanyang friend na si Toni ng, “Be honest!”

Super laugh naman ang singer-actress sabay sabing, “Na-jowa ko na siya so Jojowain. Jowa lang, ha?” Na sinundot naman ni Joy ng, “Revelations!”

Nang banggitin naman ang pangalan ni Aga ang naging reaksyon ng ex-wife ni Martin Nievera, “Nasa listahan, wala akong choice.”  Pero aniya, totropahin lang daw niya ang aktor.

Tinawag naman siya nina Joy, Lara at Toni ng “plastic” dahil ayaw daw nitong magpakatotoo. Pero nagpaliwanag naman agad si Pops.

“Hindi nga, friends. Baakit? Ex ko na siya so friends na tayo,” ang tawa rin nang tawang chika ni Pipay sa panunukso sa kanila ni Aga.

Ang ilan pa sa mga inamin ni Pops na naging boyfriend niya sa nasabing challenge ay sina Jomari Yllana at Brad Turvey, pero aniya talagang as much as possible ay ginawa niyang pribado ang kanyang pakikipagrelasyon sa mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman sa mga nakapanood ng vlog ang inggit na inggit at napakomento ng #SanaAll” dahil nga sa sobrang haba ng hair ni Pops na halos lahat ng naging dyowa sa showbiz ay super gwapo at mga sikat pa.

Pops sa mga nakarelasyong bagets: I don’t offer money, I’m kuripot!

Pops takot na takot nang isugod sa ospital ang anak: We worried, we cried and we prayed a lot!

Aga, Lea nagkaisyu nga ba nang dahil sa pagpanaw ni Raymund Isaac?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending